Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

2 milyong pagbubuntis inaasahan ngayong taon bunsod ng quarantine


Dalawang milyong kababaihan sa Pilipinas na nasa edad 15 hanggang 59 taong gulang ang inaasahang magbubuntis ngayong taon, ayon sa Commission on Population and Development (POPCOM).


Ang naturang bilang, giit ng POPCOM ay galing sa pag-aaral ng University of the Philippines Population Institute (UPPI) at ng United Nations Population Fund (UNFPA), na layong kalkulahin ang naging epekto ng coronavirus pandemic sa family planning efforts ng bansa.

Base sa pag-aaral, ang mga pagbubuntis na ito ang magiging sanhi ng mahigit kumulang 1.9 milyong bagong silang na sanggol sa taong 2021, pinakamataas na bilang magbuhat noong taong 2000.

Ipinapakita rin dito, na 3,099,000 kababaihan edad 15 hanggang 59 taong gulang ang hindi nakakakuha ng family planning supplies gaya ng pills at condoms, at dahil sa  enhanced community quarantine na ipinatupad bunsod ng COVID-19, madadagdagan pa ito ng 590,000 o 19 na porsyente.

Upang maiwasan ang paglobo ng bilang ng mga magbubuntis ngayong taon, ibinahagi ni POPCOM executive director at Undersecretary Juan Antonio Perez III, na bukod sa alok na home delivery ng pantatlong buwang supply ng mga family planning supply sa mga kasama sa family planning program, bukas din ang mga health center para sa mga kababaihan na nais sumailalim sa injectables at subdermal implants.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive