Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

209 SAP beneficiaries, tumanggap ng dobleng ayuda: DSWD


Aabot sa 209 ang bilang ng mga residente sa Rehiyon 12 (Soccsksargen) ang dalawang beses na tumanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP), ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Sabi ni DSWD-12 Director Cezario Joel Espejo, Lunes (Hunyo 15), napag-alaman  na may mga SAP recipients sa kanilang lugar na nakakuha ng dobleng emergency subsidy, matapos ang asessment ng ahensya sa naging disbursement ng local government units sa P5,000 cash assistance.

Dagdag pa niya, malaking porsyente ng mga 209 na benepisyaryong ito ay nakatanggap na ng ayuda mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program or 4Ps.

Dahil dito, maituturing na violators ang mga nasabing benepisyaryo dahil sa ginawang paglabag sa guidelines na nakapaloob sa Republic Act 11469 or the Bayanihan to Heal as One Act. Bilang tugon na rin, ay ipinasa na ang pangalan ng mga ito sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-12 para sa imbestigasyon at pagsasampa ng mga kaso.

Noong nakaraang buwan lang ay nagsampa na ang CIDG-12 ng “estafa through misrepresentation” laban sa 12 violators na isinuplong din ng DSWD-12. Walo sa mga ito ay galing sa North Cotabato, anim sa  Saranggani, apat sa South Cotabato habang dalawa naman sa Sultan Kudarat.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive