Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

214,000 quarantine babies, inaasahang isilang sa 2021


Nasa 214,000 na sanggol mula sa mga hindi planadong pagbubuntis ang inaasahang isilang  sa susunod na taon bunga ng enhanced community quarantine (ECQ) na dulot ng coronavirus pandemic, ayon sa isang opisyal ng Commission on Population (PopCom), Biyernes (Hunyo 19).


Sa isang pag-aaral mula sa University of the Philippines Population Institute (UPPI), ayon kay PopCom executive director Juan Antonio Perez III, 214,000 babies ang nakikitang ipapanganak sa 2021 dahil sa unplanned pregnancies. 

Ayon pa sa kanya, nakasaad din sa pag-aaral na 600,000 ng mga kababaihan ang hindi nakakuha ng mga family planning supply mula sa mga health center bunga ng paralisadong transportasyon dulot ng ECQ.

"Na-predict din nila na 600,000 na kababaihan ang hindi makakakuha ng (family planning) supplies...(Ibig sabihin) may isang pagbubuntis sa bawat tatlong kababaihan na hindi nakakuha ng supplies na kailangan nila," sabi ni Perez sa isang panayam.

Dagdag ng opisyal, nakiusap na sila sa mga health facility na maghatid na lamang ng contraceptive supplies, gaya ng pills at condoms sa mismong kabahayan ng mga babaeng naka-enroll sa family planning program. Ngunit pag-aamin ni Perez, hindi pa rin nito maiiwasan ang paglobo ng bilang ng mga nabubuntis at ang mga sanggol na ipapanganak sa susunod na taon.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive