Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

22,000 SAP beneficiaries na tumanggap ng dobleng ayuda, natuklasan ng DSWD


Nasa 22,000 duplicate beneficiaries ang napag-alaman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang isinasagawang validation process sa naging unang distribusyon ng P5,000 to P8,000 emergency cash subsidy mula sa Social Amelioration Program (SAP).


Ang duplicate beneficiaries ay iyong mga tumanggap ng ayuda mula sa SAP kahit pa nakakuha na ang mga ito ng cash aid mula sa iba't-ibang ahensya ng gobyerno gaya ng sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Dahil sa natuklasan ng DSWD, ayon kay Social Welfare Undersecretary Rene Glen Paje, mas hihigpitan pa ng ahensya ang pag-validate sa mga benepisyaryo at liquidation report na ipinasa ng mga local government unit (LGU), kaugnay ng first tranche ng SAP noong Abril.

Noong nakaraan, ay una ng umapela ang Department of Interior and Local Government (DILG), sa publiko na isauli ang dobleng ayuda na natanggap mula sa pamahalaan upang mabigyan din ng tulong pinansiyal ang ibang pang pamilyang nangangailangan.

Sa kabilang banda, nagsimula na ang implementasyon ng second tranche ng SAP noong Martes (Hunyo 17), sa mga lugar na maagang nakapagsumite ng listahan ng mga waitlisted families gaya ng Kapangan sa Benguet pati na rin ang Baguio.
Share:

14 comments:

  1. Sana may second wave din po ang dole pra sa mga nawalan ng trabaho dhilhindi pa nag oopen ang iba

    ReplyDelete
  2. Paano po kung sa sss sya nkatanggp ng ayuda.. At hindi sa DOLE at tinggap din nya ung.. sap ?ayus llng po ba un? Anu po kaka harapin nyang problema kapag nkatanggap sya ng sap at SSS

    ReplyDelete
  3. Kailan po bah magbbgayan sa calabarzon second tranch..

    ReplyDelete
  4. Sana imbistigahan din ang mga 4ps n nkakuha ng sap,kc mayroong 4ps n nkadodle doble din ang nkuha ayuda,sss at dole,kc d lhat ng 4ps ay mhrap ang iba ay may mga trbho,bkt d nyo cla ivalidate ktlad ng gngwa nyo sa pgvalidate ng sap

    ReplyDelete
  5. Kylan po mag uumpisa ng pamimigay ng ayuda sa 2nd tranche dto po sa Qc ?

    ReplyDelete
  6. Paano po kung nakatanngap ng dalawang beses sa sss tapos nakatanngap dn ng sap?ano pong pwedeng mangyari ?

    ReplyDelete
  7. Ang dapat nyong ikulong ung mga nasa posisyon na milyon milyon ang ninanakaw sa kaban ng bayaan,hndi nka doble ng ayuda Kaya my second tranch db,Anu ibig sbihin non db panglawang ayuda na galing sa gibyerno,bkit ung mga nag nanakaw Jan na mga opisyal ng gobyerno di nyo kayang ikulong yan,bia nman kc nkikinabang din Kay.

    ReplyDelete
  8. Kelan PO Kaya bigayan NG second tranch sa caloocan brgy 14

    ReplyDelete
  9. Kapag mga ordinaryong tao ang bilis nyo pagdesisyunan kng ano ang dapat gawin pero kapag may mga posisyon sa gobyerno iimbestigahan muna ano yun?dahil lang sa nakatanggap ng dobleng ayuda may parusa na agad samantalang hindi naman nila kasalanan yun ahensya ng gobyerno ang namahala kung nagdoble man kasalanan nila yun at sa panahong tulad nito na may pandemic kahit sinong tao tatanggapin yung dobleng ayuda yun ang totoo...para sa ilang libo na hindi naman ninakaw kakasuhan agad kamusta naman yung milyon milyon ang ninakaw sa kaban ng bayan....

    ReplyDelete
  10. Sana po makatanggap napo kami ng pangalangwang ayuda. Makaling tulong napo yun samin ng pamilya ko.kung sakaling ma approve ban na ng dsdw yung pangalan ng asawa q. Slamat po

    ReplyDelete
  11. Ako po umasa n mkakatanggp ng ayuda khit po sna s pangalawa kso po wla po tlaga khit Isa pinag abutan po kmi dto lockdown s nueva icija s manicla kso pinipili po Nila ung b bnibigyan nla dto..npulitika po KC Ang ayuda smin..wla po kmi trabho mag Asawa Kya khit bigas po wla kmi...Kya sna mkunsensya ung mga kumupit ng ayuda pra s mga mhihirp..mhiya nman kau Ang kakapal ng mga mukha nyo.

    ReplyDelete
  12. Kulong agad? Pwede nmn na kausapin nio, ipablik nio Ang nakuha na doble sa panahon ngayon madami talagang nangangailangan.bago nio ipahuli kausapin nio bakit d binalik Ang sobrang nakuha Kung ginamit Lang nmn sa walang kwentang dhilan Yun Ang ikulonh nio, di porket mahirap ikkulong nio agad

    ReplyDelete
  13. Ako nga wala nakuha kahit piso

    ReplyDelete
  14. Ako wla sap dwsd hndi ko nakkatanggap kht poh sap

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive