Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

289 centenarians, nakatanggap ng P100k cash reward sa DSWD


Aabot sa 289 centenarians o mga indibidwal na 100 taong gulang, ang nakatanggap ng P100,000 pesos bilang cash incentive, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Sabado (Hunyo 20).


"Ngayong taon, as of June 15, 289 centenarians ang nakatanggap ng P100,000, na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P28,900,000," sabi ng ahensya sa isang pahayag.

Ayon sa DSWD, inihatid ang mga cash reward sa pamamagitan ng house-to-house delivery bilang konsiderasyon sa kalusugan at pisikal na limitasyon ng mga matatanda.

Pinapayuhan ng DSWD ang mga kamag-anak ng centenarians na magpasa ng mga pangunahing dokumento gaya ng birth certificate o passport sa city o municipal social welfare office (C/MSWDO) at sa Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) para makakuha ng cash gift.

"Kung hindi po available ang mga dokumentong ito (birth certificate at passport), maaari naman po ang kahit na anong ID gaya ng galing sa OSCA, Government Service Insurance System (GSIS), at Social Security System (SSS); driver’s license; Professional Regulations Commission (PRC) license; at Commission on Elections (COMELEC) Voter’s ID,” paliwanag ng DSWD.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive