3,000 establisyemento permanente ng magsasara dahil sa COVID-19: DOLE
Bunsod ng pandemya, mahigit 3,000 establisyimento sa buong Pilipinas ang permanente ng magsasara o di kaya naman ay magbabawas ng empleyado, dahilan upang magkaroon ng 90,000 jobless workers sa bansa, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Bukod dito, 2.8 milyong manggagawa rin ang apektado sa desisyon ng 104,000 establisyemento na magkaroon ng flexible work arrangements o pansamantalang pagsasara, sabi ni Labor Assistant Secretary Dominique Tutay sa isang panayam noong Huwebes (Hunyo 25).
Dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, nadagdagan ang unemployment rate ng bansa dahil maraming negosyo ang napilitang magsara nang simulan ang community quarantine noong kalagitnaan ng Marso.
Sa tala ng Philippine Statistics Authority, sa buwan ng Abril ay mayroong 7.3 milyong indibidwal na walang trabaho, katumbas ito ng 17.7 porsyento na pagtaas sa unemployment rate ng bansa.
Ayon kay Tutay, patuloy naman ang pagtulong ng pamahalaan sa mga apektadong manggagawa. Sa ngayon, ay nakapagbigay na ang DOLE ng P5,000 one-time cash assistance sa 657,201 formal sector workers habang 337,000 manggagawa naman mula sa informal sector ang tinutulungan ng ahensya sa ilalim ng kanilang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Miss kris aq po ay isang ofw n kkaalis plng pero npauwi galing dubai po wala po kmi prehas trbho dhil sa covid 19 anim po anak ko lima po ang ng iiskul khit po sa pnganay lng po kc mg grde.11 npo xa ngayon mhirap lng po kmi pleaze po miss kris sana mkasama nmn po ang hiling ko tnx po
ReplyDeleteMaam cris, isang mlaking pasasalmat po kung isa po sa aking mga anak n nag aaral ang mabigyan nyo ng laptop, hindi po tlga nmin kyang bumili ng gudjet, dlawa po ang high school ko maam cris, at dlawang elementary din po, isang carpintero po ang asawa ko at ako po ay wlang trabho dhil isa po akung PWD, sna po ay matulungan nyo rin mga anak ko, isang grade 10, at grade 12 po, grade 4, at grade 2, lhat po sila ay nag aaral, taga palawan po ako,sana pagpalain na mpili nyo po ako,
ReplyDelete