Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

4PS members na may doble ayuda ng SAP, hindi na bibigyan ng cash assistnance sa susunod na buwan


Tinitignan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga pangalan na nakakuha ng doble ayuda mula sa SAP ayon kay Social Welfare Undersecretary Rene Paje pagkatapos iulat ang 22,000 na nakakuha ng doble ayuda.


"Pinag-iigi po ng DSWD ang pag-validate o 'yong pagproseso sa duplication... Sa ngayon po ang mga tala ng mga nalaman nating mga duplicate ay pinagbigyan nating alam sa mga kinauukulan lalo na sa mga [local government units] upang sila ay makagawa ng aksyon at either mabawi o maitala ang mga pangalan na ito," sinabi ni Paje sa Laging Handa public briefing.

"Kung ito po naman kasi ay mga regular beneficiaries natin katulad ng 4Ps ay mababawi po natin sapagkat hindi naman na natin isusunod 'yung kanilang kabayaran sa buwan na darating kaya kung anong halaga 'yong nadoble sa kanila ay mababawi po natin," dagdag ni Paje.

"'Yung mga hindi naman po kasapi sa 4Ps, 'yung LGUs po ang tututok sa kanila sapagkat 'yon po naman ay nasasakupan nila," dagdag pa niya.

Nagumpisa ng mamigay ng ayuda ang DSWD sa mga waitlisted benepisyaryo.
Share:

3 comments:

  1. Sadya naman po npakrme bnipisyro ng 4ps ang nkadoble doble ayuda,tlad ng ss at dole..dhl d naman lhat ng 4ps ay tlgang mhrap..dpt mgsgwa kau ng validation hndi lng s sap bnificiares..mga aswa ng 4pcs may nkuha s ss...

    ReplyDelete
  2. Marami nga ang doble samantallamg aq ni piso walang natanggap waitlested

    ReplyDelete
  3. Buti pa cla nadodoble Samantalang ung asawa ko hindi manlang nakakuha maski piso sa ayuda na yan tricycle driver siya karapat dapat nman po ciang mabigyan ng ayuda nawalan Cia ng hanapbuhay ng panahon ng lock down buti na lng may nalapitan kami busilak ang puso na pinautang kmi sa panahon ng pandemya Kung saan saan kami lumapit pero Ala din ngyari kesyo tapos na daw bakit po Ganon???

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive