Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

505 kurap na government officials, iniimbestigahan na ng pulisya kaugnay ng SAP


Umabot na sa bilang na 505  pribadong indibidwal at local government officials ang kasalukuyang sumasailalim ngayon sa mas pinaigting na imbestigasyon ng mga pulis kaugnay ng kurapsyong naganap sa distribusyon ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP).


Mula Abril 1 hanggang Hunyo 1, humigit 380 na ang bilang ng mga reklamong natanggap ng pulisya patungkol sa mga indibidwal na gumagawa ng anomalya sa SAP, base sa datos ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ayon kay CIDG deputy director Brig. Gen. Rhoderick Armamento, kabilang sa listahan ng mga iniimbestigahang opisyal ang 104 barangay captains, 70 barangay councilors, 35 treasurers at 23 health workers.

Noong Mayo 20, 134 kurap na barangay officials na ang kinasuhan ng Prosecutor's Office of the Department of Justice (DOJ), ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Una na ng nagbabala ang DILG sa mga opisyal na gumagawa ng anomalya sa SAP na hindi nila matatakasan ang karampatang parusa na ipapataw sa kanila dahilsa panlolokong ginawa nila sa taong bayan.
Share:

4 comments:

  1. Makakakuha po b ng SAP yung magka live in kahit member s ibang lungsod ng 4p's yung babae o lalaki?

    ReplyDelete
  2. Makakakuha po b ng SAP yung magka live in kahit member s ibang lungsod ng 4p's yung babae o lalaki?

    ReplyDelete
  3. Good Evening Po makakuha Po Ba Ako ng ayuda no work no pay pay ako Wala din akung natangap na ayuda mula Sa DOLE or Sa SSS at DSWD,sampung beses na ako pabalikbalik sa DSWD sabi pa ng DSWD Punta ako Barangay Dito sa Barangay Santol Tanza Cavite,sabi sa akin ng mga staff ng Barangay at c kapitana pati Ang tagalista ni Kapitana Hindi raw po Ako makasali dahil una Nangungupahan Lang Raw Ako At Hindi Ako Botante Dito Sa Lugar ng Barangay Santol Tanza Cavite,tanung ko lang saan po ba ako humihingi ng Tulong Bakit Po Ba Ganyan Ang DSWD Na At Ang Barangay nmin Dito ang Binigyan lang nila ay Yung mga Kamag Anak At ka Kilala,nila at isa pa bakit Binigyan Nila Yung mga 4ps na makakatangap nmn sila buwan Buwan Samantalang Kame ako 1 time lang nakarecieve ng Tulong,tumawag na ako sa 8888 pero walang Aksyon Saan Ba Ako Puedeng pumupunta,na Tunay na Gobyerno dahil wala na akung tiwala sa Gobyerno dahil sa kuraption,hindi makatulong sa Mahihirap,please po inform nyo po Ako kung saan ako humihingi ng Tulong
    Maraming Salamat po

    ReplyDelete
  4. Nagbigayan ng sap second trance noong october 14 2021 wala don name ng asawa ko pero ung mga kasam niy andon lahat bkit ganon ung asawa ko kilangang ng pera oara pambili ng wafer at colostomy bag niya linggo lingo tapos di pa siya nakasama eugenemarbella2013@gmail.com nung fist trance nakakuha naman siya bakit ngaun wala ang hirap alam u ba yon

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive