6,000 trabaho bubuksan ng BPO companies sa bansa
Nasa 6,000 trabaho ang bubuksan ng mga business process outsourcing (BPO) company sa kabila ng kasalukuyang krisis na kinakaharap ng buong mundo, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.
Sa isang panayam noong Linggo (Hunyo 21), sinabi ni Bello na ang pagbaba ng ekonomiya at pagkawala ng trabaho gawa ng pandemya ay nagbigay ng oportunidad sa mga BPO company sa ibang bansa na nais magpatayo ng kanilang opisina sa mga lugar sa Manila, Clark, at Cebu.
"Inabisuhan kami ng BPO companies na mag-aalok ang mga ito ng trabaho upang punan ang kanilang pangangailangan sa empleyado at umaasa kami na magiging okyupado ang mga nabakanteng posisyon dulot ng temporary displacement ng mahigit dalawang milyong empleyado," saad ni Bello.
Pinabulaanan ni Bello, ang survey report ng Philippine Statistics Authority na nagsasabing nasa pitong milyong empleyado ang nawalan ng trabaho dahil aniya, 2.7 million lang naman ang ini-report sa ahensya.
Pinaalalahanan din ng opisyal ang mga employer patungkol sa "haphazard" dismissal of workers o iyong pagtatanggal ng mga manggagawa na walang legal na konsiderasyon. Dagdag niya, dapat na makatanggap ang mga manggagawang nawalan ng trabaho ng separation pay na katumbas ng isang buwan sa bawat taon ng serbisyo.
No comments:
Post a Comment