Home »
NEWS
» 7 buwang buntis na OFW sa UAE namatay dahil sa COVID-19; sanggol ligtas na naipanganak
7 buwang buntis na OFW sa UAE namatay dahil sa COVID-19; sanggol ligtas na naipanganak
Namatay ang pitong buwang buntis na si Grace Joy, isang overseas Filipino Worker (OFW) sa United Arab Emirates (UAE) dahil sa COVID-19, ngunit nailigtas naman ng mga doctor ang kanyang sanggol na iniluwal sa pamamagitan ng cesarean section noong Mayo 23.
“At the time, isolated na ako. Magkausap naman kami ni misis. Nagiging better naman na daw sya," kwento ng kanyang asawa na si Joseph Ayson Tiglao na nagpositibo rin sa sakit.
“Pero lumalala, sobrang nahihirapan siyang huminga kaya in-intubate. Nag-decide sila na mag-CS operation to save the baby,” pagpapatuloy niya.
Ayon kay Jayson ganap na 10:30 pm nang isilang ni Grace ang kanilang baby girl na pinangalanang Dylhanne Grace. Makalipas lamang ang pitong oras, 5:30 am nang sumunod na araw, namatay ang ina matapos ang dalawang cardiac arrest.
Sa kasalukuyan nasa hospital si baby Dylhanne Grace at idineklarang COVID-Free noong Hunyo 27, matapos mag-negative sa virus ng dalawang beses
“On that day, she was asking me to be there next to her kasi one week na kaming hindi nagkikita. Hindi ko alam na parang yun na… parang gusto na pala niyang magpaalam sa 'kin,” sabi ni Joseph.
“Super sakit isipin kasi nga andito ako wala akong magawa bilang asawa niya. If alam ko lang, hindi ko na siya iniwan sa hospital nun since parehas naman kaming positive,” pangungulila niya.
Mhsjsjsj
ReplyDelete