Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

8,000 na trabaho bubuksan ng 2 kumpanya para sa mga displaced OFWs: DOLE


Aabot sa 8,000 trabaho ang bubuksan ng mga lokal ng kumpanya sa bansa para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng pangkabuhayan bunga ng coronavirus pandemic, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).


Sinabi ng DOLE na handa ang Optum Global Solutions at EMS Group of Companies na tumulong sa muling pagbangon ng mga displaced OFW.

Sa isang pahayag, sinabi ni Labor Assistant Secretary officer-in-charge Dominique R. Tutay, na tatanggap ang Optum ng 4,000 OFWs bilang mga nurse case management specialist (US-registered nurses), clinical operations specialist (Philippine registered nurses), o customer service specialist (Voice). Dagdag pa niya, handang tumanggap ang kumpanya ng mga shifters at graduate ng kahit na anong four-year course.

Sa kabilang banda, ang EMS ay nangangailangan naman ng 4,000 production operators at assembly workers para sa Batangas at Laguna Technopark nito sa Biñan, Laguna. Ayon kay Tutay, hindi kailangan ng mga aplikante ng experience sa electronics dahil magbibigay ang kumpanya ng training bago pa man sila matanggap.

Hinangaan at pinasalamatan naman ng DOLE ang dalawang kumpanya sa kusang loob nitong pagtulong sa mga OFW na nawalan ng trabaho. Ayon sa ahensya, ngayong taon ay aabot pa sa mahigit 100,000 OFWs ang inaasahang uuwi sa bansa bunsod ng krisis.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive