Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Allowance para sa mga COVID-19 swabbing center workers, aprubado na ni Pres. Duterte


Awtorisado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng allowance sa mga empleyado ng gobyerno na boluntaryong nagtatrabaho sa mga COVID-19 swabbing center at test results processing facility sa bansa.


Base sa Administrative Order 31 na nilagdaan ng Pangulo noong Hunyo 15, sa buong quarantine period ay tatanggap ang bawat empleyado ng P500 COVID-19 duty allowance sa bawat araw at dagdag na hanggang 25 porsyento ng kanilang buwanang sahod.

Ang dagdag na 25 percent ay dedepende sa bilang ng araw na  na-deploy ang empleyado sa isang pasilidad habang nasa quarantine period.

Epektibo ang COVID-19 duty allowance mula sa araw na nag-umpisa ang operasyon ng mga mega swabbing center at iba pang swabbing and test results processing facility sa bansa.

Nakasaad din sa AO na ang mga empleyadong nakatanggap ng hazard pay at iba pang benepisyo ay saklaw din sa pamimigay ng allowance.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive