Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Beware: Mga illegal recruiters gumagamit fake email ng mga kumpanya sa Taiwan


Maraming Pilipino pa rin nag nais magtrabaho sa ibang bansa lalo na sa panahon ngayon ng crisis, isa dito ang Taiwan. May mga mapagsamantalang illegal recruiters na gumagamit ng fake email address para maloko ang mga aplikante.


Ginagamit sng manlolokong recruiters ng mga pangalan ng kumpanya at magkukunwaring may direct contact ito sa mga kumpanya sa Taiwan. Halimbawa, ang Tong Hsing ay isang kalidad na kumpanya sa Taiwan, gagamitin nila ang “tonghsing@email.com” na email para manloko.

Kapag nakapanloko ng mga aplikante, manghihingi ang mga ito ng bayad na aabot sa P40,000 hanggang P50,000. Halos lahat ng kumpanya sa Taiwan ay gumagamit ng broker at recruitment agency sa Pilipinas.

Ayon sa POEA, ang mga illegal recruiter ay:

• Agad naniningil ng placement fee o anumang kaukulang bayad nang walang resibo
• Nangangako ng madaliang pag-alis patungo sa ibang bansa
• Nagre-require agad ng medical examination o training kahit wala pang malinaw na employer o kontrata
• Nakikipag-transaksiyon sa mga aplikante sa mga pampublikong lugar at hindi sa opisina ng lisensyadong ahensiya
• Bahay-bahay kung mag-recruit ng mga aplikante
• Hindi nagbibigay ng sapat na impormasyon tungkol sa ina-aplayang trabaho
• Nagsasabi na may kausap na direct employer 
• Walang maipakitang employment contract o working visa
• Nagpapakilala na empleyado ng isang lisensyadong recruitment agency ngunit walang maipakitang ID
• Nagpapakilala na konektado sa isang travel agency o training center
Nanghihikayat sa mga aplikante na mangalap ng iba pang aplikante upang mapabilis ang pagpapaalis
• Walang maibigay na sapat at tamang impormasyon tungkol sa sarili tulad ng buong pangalan o address
• Nangangako na ang mga dokumento ay ipapasok sa POEA para mai-proces

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive