Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

COVID-19 cases sa Pilipinas maaaring umabot ng 60,000 pagdating ng Hulyo 31


Maaaring sumampa ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas sa 60,000 sa pagsapit ng Hulyo 31, ayon sa ginawang pag-aaral ng isang grupo ng mga eksperto sa bansa.


Ang pag-aaral ay isinagawa mula noong Marso 1 hanggang Hunyo 25 ng isang grupo ng eksperto na binubuo nina University of the Philippines mathematics professor Dr. Guido David, UP political science assistant professor Ranjit Singh Rye, Ma. Patricia Agbulos ng OCTA Research at biology professor Rev. Fr. Nicanor Austriaco ng Providence College at University of Santo Tomas.

Base sa kanilang pagsisiyasat, maaaring umabot ng 27,000 ang kaso ng sakit sa National Capital Region (NCR) at 20,000 naman sa Cebu pagdating ng Hulyo 31. Ang death toll naman sa bansa, sa kabilang banda, ay maaaring tumuntong sa 1,300 sa pareho ring petsa.

"Using the current value of Rt, based on the current number of cases in the Philippines (including uncategorized cases) and assuming the trends continue, this projects to more than 60,000 Covid-19 cases by July 31, with 1,300 deaths. In NCR, the projection is 27,000 cases by July 31, while in the province of Cebu, the projection is 20,000 cases by July 31," sabi ng mga eksperto.

Giit ng grupo, maiiwasan ang nakikitang pagtaas ng kaso ng COVID-19 at death toll sa bansa kung mapapabilis ang pagsugpo sa pagkalat ng virus. Base na rin sa pag-aaral mula sa Harvard University, dapat daw na pataasin ng bansa ang testing capacity nito sa 20,000 kada araw.

Hinihikayat din ng mga eksperto ang gobyerno na pag-aralan muli ang mga stratehiya nito sa paglaban sa COVID-19. Anila, agresibong contact tracing ang dapat na maging sentro ng kanilang magiging hakbang.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive