DepEd, ikakansela ang face-to-face learning hanggat walang COVID-19 vaccine
Inanunsyo ng Department of Education (DepEd), Lunes (Hunyo 8), na ipagpapaliban muna sa bansa ang face-to-face classes hanggat wala pang natutuklasang bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
"We will comply with the President’s directive to postpone face-to-face classes until a vaccine is available," sabi ni DepEd Secretary Leonor Briones sa isang pahayag.
Sa isang recorded address na inilabas noong Biyernes (Hunyo 5), binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi muna pahihintulutan ang pisikal na pagbubukas ng klase hanggat wala pang bakuna para sa COVID-19.
"Maghintay ng vaccine. Walang vaccine, walang eskwela. Secretary [Leonor] Briones is insisting that there is an alternative there. She has a very good program for that, like teleconferencing. The technology is good. I don't know if we are ready for that," sabi ng Pangulo.
Noong Hunyo 1, unang sinabi ng ahensya na bukas ang posibilidad sa pagpapatupad ng face-to-face learning sa mga isolated area o malalayong lugar ng bansa na hindi gaanong tinamaan ng coronavirus pandemic.
Samantala, tuloy na tuloy pa rin ang pagbubukas ng online classes sa Agosto 24, sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Hindi p rin po pwede i advice gamitin ang Online classes ksi ung net mabgal sa Pilipinas at hindi lahat makakapag sabyan dyn masasyang lng ang pagod at oras ng teacher dyn ..
ReplyDeleteMas mabuti ho sguro na huwag nang ituloy Ang online sapagkat patuloy po tayong maghihirap kapag magkagoon lalo Nat mga tao o di kayay Ang mga magulang ay nauubusan nang pera , pano yan Kung magkakaroon ng online class tas Yung maghihirap na tao o kababayan natin Hindi kakayanin Ang mga gastos SA pagpapaload ... Mas importante ho cguro na SA 2021 nalang po ipagpapatuloy Ang klase total may vaccine nanaman ho at magiging normal na Ang lahat.
ReplyDelete