DILG inabisuhan ang LGUs na maging istrikto sa pagbibigay ng PWD IDs
Sinabihan ni Interior Secretary Eduardo Año, Huwebes (Hunyo 25), ang mga local government unit (LGU) na maging mahigpit sa pagbibigay ng identification cards para sa mga person with disability kasunod ng mga reklamong pamemeke at pag-aabuso sa pribelehiyo at benepisyong para sana sa mga PWD.
"Maganda ang intensyon ng batas pero mayroong mga taong gustong abusuhin ang pribilehiyong ibinibigay sa mga tunay na PWDs. LGUs should, therefore, be wary of such individuals who want to secure a PWD ID even if they are not entitled to PWD privileges,” sabi ni Año sa isang pahayag.
Giit ni Año, ang PWD ID ay dapat na ibigay lamang sa mga indibidwal na mayroong long-term physical, mental, intellectual, o sensory impairment na naglilimita sa kanilang partisipasyon sa komunidad.
Aniya, kung magpapatuloy ang pamemeke at pang-aabuso sa mga PWD ID, maaaring mabangkarote ang mga business establishment lalo pa at may krisis. Dahit dito nananawagan siya, na i-report sa pulisya o LGU ang mga ganoong klase ng insidente.
Sa ilalim ng Republic Act No. 10754, ang mga PWD ay mayroong 20% discounts, exemption sa value-added tax (VAT), 5% discount sa mga basic necessities at prime commodities at libreng paggamit sa mga express lane ng commercial at government transaction.
Kamakailan lamang ay mayroon ng dalawang mambabatas na nanawagan upang siyasatin ang implementasyon ng PWD law at ang mga polisiya nito dahil sa mga reklamo ukol sa pekeng PWD na nakatatanggap ng discounts sa mga kainan at iba pang pribelehiyo kahit wala namang kapansanan.
No comments:
Post a Comment