Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Handa ang DSWD sa imbestigasyon kaugnay ng delay distribution ng SAP


Handa umano ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa isasagawang imbestigasyon ng mga mambabatas kaugnay ng delay na distribusyon ng ayuda mula sa emergency subsidy program (ESP), ayon sa isang opisyal, Huwebes (Hunyo 18).


"Ginagalang ng DSWD ang mga legislators ukol sa kanilang intensyon na siyasatin ang naging delay ng implementasyon ng [ESP]. Para sa DSWD, ang pagsisiyasat ay isang pagkakataon upang tumugon sa mga katanungan ng mga mambabatas at maipaliwanag ang mga proseso na isinagawa upang mapanatili ang integridad ng programa," sabi ni DSWD Undersecretary Rene Glen Paje.

Dagdag pa ni Paje, bukas din ang ahensya sa mga posibleng rekomendasyon  ng mga mambabatas para sa ikabubuti ng pagpapairal ng programa.

Noong Hunyo 15, ay naghain ang mga House leader sa pangunguna ni Speaker Alan Cayetano, ng House Resolution No. 973, na layong imbestigahan ang naging implementasyon ng DSWD sa ESP partikular na sa Social Amelioration Program (SAP).

Nakatakdang mag-umpisa ang imbestigasyon sa mga naganap na delay sa cash aid program ng gobyerno sa Lunes, Hunyo 22.
Share:

9 comments:

  1. Tama lang kc dto sa commmonwealth quezon city marami pa ndi nabgyan isa n kmi dun gcash iilan lang nakakuha nung may pa yan dpa din kmi nabbgyan wag nyo nmnpaasahin mga tao na ngaun wlang trbho inaasahan yang ayuda n yan di sna d na kau nangako sa mga waiting pdn sa inyo sna mabgay napo dto

    ReplyDelete
  2. Tama lang kc dto sa commmonwealth quezon city marami pa ndi nabgyan isa n kmi dun gcash iilan lang nakakuha nung may pa yan dpa din kmi nabbgyan wag nyo nmnpaasahin mga tao na ngaun wlang trbho inaasahan yang ayuda n yan di sna d na kau nangako sa mga waiting pdn sa inyo sna mabgay napo dto

    ReplyDelete
  3. Pero kyo sbi sbi hnd nmn natutupad ang dapt gawin ung iba dito sa amin nakatanggap na hanggang ngyon wala pa kimu nattnggap tapos na ako manganak wala din.

    ReplyDelete
  4. Dapat kung totoo kayo sa lahat wag n nyo na paasahin pa. Itext nyo na disqualified ang tao para alam nila na wala sila makukuha na ayuda. Ako nangungupahan ako halos palayasin na ako kaya now nakikitira ako sa friend ko kasi wala na ako makain

    ReplyDelete
  5. Yes dapat lang po kc bakit wala pangalan ko s sap waitlisted eh merun nmn akng sac form kalahati skn. Pro wala pangalan ko..

    ReplyDelete
  6. Saan po pwede mag reklamo kung walang natanggap na ayuda,first and second tranche pero pina fill out ako ng SAC form at hindi ibinigay sa akin yung kaputol ng form..

    ReplyDelete
  7. Solo parent ako nakakuha sa 1st tranche hanggang ngayon hindi pa nakakuha sa 2nd tranche at kahit diyos alam na wala akong DOLE at SSS nauna pa yung waitlisted na doble ang nakuha!
    Nasaan ang hustisya???

    ReplyDelete
  8. Caloocan din lapa puro intay lng nuhh yun

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive