Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

DSWD namimigay na ng ayuda para sa "waitlisted" SAP beneficiaries


Nag-umpisa na ang Department of Social Welfare and Development 
(DSWD), sa pamamahagi ng ayuda sa mga "waitlisted" o mga idinagdag na benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) sa gitnang Luzon.


Ayon kay DSWD Regional Director Marites Maristela, sa unang araw ng SAP pay-out na isinagawa sa Marcos Village sa Mabalacat, Pampanga, nasa 187 na pamilya ang nakatanggap ng ayuda.

Dagdag ni Maristela, patuloy ang kanilang pagsasa-ayos ng clean list ng mga karagdagang benepisyaryo ng SAP sa rehiyon. Nakikipag-ugnayan  din ito sa mga service provider at remittance center upang mas mapabilis ang distribusyon ng cash aid.

Paglilinaw ng Direktor, kung sakaling hindi maabot ng mga remittance center ang mga nasa malalayong lugar, ay magsasagawa na lamang ang ahensya ng direct pay-out.

Samantala, ayon naman kay DSWD Undersecretary Mark Allan Jay Yambao, binubusisi pa ng maigi ng ahensya ang listahan ng mga benepisyaryo at pinaplano pa ang distribusyon ng ayuda sa second tranche upang maiwasan ang mga problemang naranasan sa unang tranche ng SAP.
Share:

16 comments:

  1. Ung waislisted sa paraƱaque city wala p rin hanggang ngaun

    ReplyDelete
  2. kame po dito sa barangay 779 zone 85 waitlisted din po kme hangnng ngayon wala pa din .. wala pa kme nattanggal na 1st and 2nd tranche . sana naman maaksyunan agad to isang buwan na po kame mahigit nag aantay sa ayuda ng dswd šŸ˜¢šŸ˜­šŸ˜­šŸ˜­

    ReplyDelete
  3. Dto namn po sa antipolo rizal kilan namn kaya mag bbgayan

    ReplyDelete
  4. Sa laguna,wala parin at sa antipolo

    ReplyDelete
  5. Dito po sa Makati city. Wala padin po šŸ˜£

    ReplyDelete
  6. NCR Manila district 1 wala pa din ping naibibigay para sa mga waitlisted.

    ReplyDelete
  7. Bakit dto sa NCR PASAY VILLAMOR . WLA PA DIN DTO .

    ReplyDelete
  8. brgy 766 Wala parin sa San andres may 24 pa nag bigay NG form until now Wala payout

    ReplyDelete
  9. dito po sa Guinobatan,Albay wala pa din po naibibigay para sa mga nag appeal at sa mga waitlisted..

    ReplyDelete
  10. Tagapo sta. Rosa laguna wala p rin

    ReplyDelete
  11. Yung sa baranggay 117 po ba sa tondo manila hindi po ba ?? Mabibigyan kase po pina fill up po kami tapos wala pa pong sap hanggang ngayon una hanggang pangalawa po wala pa

    ReplyDelete
  12. Pinag pasa po aq ng photo copy ng Sap form last week pa ano na kaya balita waitlested po may pag asa pa ba? wala dn ng una at sa senior pension wala din musta napo

    ReplyDelete
  13. Sana mabigyan ako kasi June pa ako nag fill up NG form pero hanggang ngayon Wala ako nakuha kahit Isa.,malaking bagay na po Sana Yan pang gastos sa araw araw at pang bayad sa ilaw at tubig.gipit na gipit na din kasi subrang naapektuhan kme sa pandemya.hay naku Sana ibigay na Yan pare pareho lng Tau nag herap Hindi lng ako Kayo Tau lahat maherap kilangan Yan.

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive