Fabunan drug, hindi pa aprubado bilang gamot sa COVID-19: Palasyo
Nilinaw ng MalacaƱang noong Sabado (Mayo 30), na hindi pa inaprubahan ang Fabunan anti-viral injection sa Pilipinas bilang gamot sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Matapos ang viral posts sa social media na nagsasabing epektibong gamot ang Fabunan para sa COVID-19, iginiit ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi pa rehistrado ang anti-viral drug upang gamiting panlaban sa naturang sakit.
"Hindi pa po approved ang Fabunan [bilang rehistradong produkto na maaaring ipang-gamot sa COVID-19]" saad ni Roque sa Laging Handa program.
Dagdag pa ni Roque, nararapat na maintindihan ng publiko na bago pahintulutan ang paggamit ng isang gamot ay kinakailangan na rehistrado muna ito sa Food and Drug Administration (FDA).
Una ng naglabas ang FDA ng cease and desist order laban sa unregistered anti-viral drug. Nagbabala na rin ang ahensya noon pang Abril 8, na wala pang lisensyadong gamot o bakuna para sa COVID-19.
Kailangn po ba tlga FDA APPROVED .bkit ang dengvaxia n kumitil s buhy ng maraming Filipino pinygan ng DOH wla FDA approve? And walang clinicl trial or testing n nNgyri naka pag plabas ng mlking pondo
ReplyDelete