Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Ibalik ang SAP subsidy kung nakatanggap na ng ibang ayuda: DSWD


Nakikiusap ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga tumanggap din ng ayuda mula sa ibang ahensya ng gobyerno na ibalik na ang cash assistance na nakuha mula sa Social Amelioration Program (SAP).


Paliwanag ni DSWD-Davao Regional Director Grace Subong, nasa 10 porsyente ng mga benepisyaryo ng SAP ang nakatanggap ng ayuda kahit na hindi naman kwalipikado. Tulad na lamang ng nadiskubre sa ginawang initial validation sa Agdao at Paquibato District sa Davao na kung saan 1,187 sa 29,000 benepisyaryo nito ay duplicate beneficiaries.

"'Yung mga tumanggap ng dobleng ayuda o di naman kwalipikado, dapat ay hindi na kasama sa SAP distribution at dapat na ibalik nila ito sa DSWD. Kung nakatanggap na sila ng Small Business Wage Subsidy, dapat ay ibalik nila ang cash assistance, kwalipikado man sila o hindi o nakatanggap man sila ng dobleng ayuda," sabi  ni Subong.

Dadag niya, para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), maaaring hindi na nila ibalik ang natanggap na ayuda mula sa SAP, ngunit ibabawas ito sa susunod na 4Ps distribution.

Paliwanag ni Subong, ang mga ibabalik na pera ay idadagdag sa second tranche ng SAP. Ang mga nais naman magsauli ng cash assistance ay maaaring makipag-ugnayan sa DSWD regional office o mga opisyal ng kanilang baranggay.
Share:

6 comments:

  1. Marami SA.brgy namin.ang hndi qualified.na bngyan Ng SAP form

    ReplyDelete
  2. Samin Kaya D2 sa region 2.. Santiago city Isabela.. kelan Kay 2nd tranch

    ReplyDelete
  3. Ako nbigyan ng sap sa first trance,,Peru and second trance wala na daw dahil Hindi na daw kasali any region 8, bakit ganun,,sabi bi president kng nbigyan ng unang sap meron pa pngalawa,,nasaan na and pangalawa,,nganga kmi dito sa sa leyte,,ang tnung ko PO totoo ba na Hindi na kasali ang region 8 sa 2nd trance especially Leyte province.

    ReplyDelete
  4. Bakit po ako Wala nakantangga ng sap kahit Wala kame nakatatanggap ng kahit anong tulong sa lahat in Lang po Ang page asa namin ung Asawa ko po no work no pay please Naman po be fair sa lahat

    ReplyDelete
  5. Pano po ung hindi nkakuha ng pangalawang ayuda tulad ng isang anak ko solo parent. At meron siyang kalahati ng sap form pero dinamay nyo. Dto sa lugar namin sa alabang halos isang pamilya cla nakakuha nakakuha sa tupad nakakuha sa sap ung asawang lalaki at nkakuha ulit ng sap sa waitlisted ang babae pati ang nanay.at pinili lang talaga ang binigyan.alam ng barangay yan.ung anak ko na solo parent hanggang ngaun gutom walang trabaho tulong ng goberyerno binulsa pa. Dto sa alabang dapat imbistigahan mabuti

    ReplyDelete
  6. Kami po hanggang ngayon wla pa ng 2nd trance. Makukuha pa po ba nmin ang 2nd trance namin. Salamat po.

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive