Life savers: Pinoy seafarers sinagip ang kasamahang Koreano na nahulog sa dagat
Dalawang Pilipinong seafarer ang naglakas loob iligtas ang kasamahang Koreano na aksidenteng nahulog sa maalon na dagat bandang Indonesia noong nakaraang linggo.
Base sa kwento ng kanilang kapatid, kasalukuyang naka-angkla ang barkong pinagtatrabahuhan nina Vrose Santillan at Archiebald Canaria nang aksidenteng mahulog ang kasamahang crew na isang Korean National.
Nang marinig ang hudyat na isang crew member ang nahulog sa dagat, agad na tumalon at rumesponde si Archiebald. Ngunit sa lakas ng alon, nahirapan ito sa pagligtas sa Koreano kung kaya tumalon na rin si Vrose.
"Tumalon na siya siguro kasi kinakailangan na ng tulong. Batang pantalan siya kaya marunong lumangoy. Nilagay niya sa risk ang sarili para makatulong," sabi ni Earl Santillan Dotimas na kapatid ni Vrose.
Sa huli, naligtas ang Koreano sa tulong na rin ng iba pang crew members. Ninais nito na bigyan ng cash reward ang dalawang Pinoy ngunit tanging ang pagkain na alok din ng Koreano ang tinanggap ng dalawa.
Lubos naman ang pasasalamat ng pamilya nina Archiebald at Vrose dahil sila rin ay ligtas matapos ang ginawang pagtulong sa kasamahan sa barko.
No comments:
Post a Comment