Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mahigit 51,000 SAP duplicate beneficiaries nadiskubre ng DSWD


Umabot na sa 51,563 ang  nadiskubreng duplicate beneficiaries ng unang tranche ng Social Amelioration Program (SAP), ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Sa isang panayam, sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista na mas pinaigting ng ahensya ang ginagawang post validation  sa listahan ng mga benepisyaryo dahil sa natuklasang malaking bilang ng mga tumanggap ng doble-dobleng ayuda noong unang tranche.

Giit ni Bautista, nais niyang magkaroon ng malinis na listahan ng mga benepisyaryo para sa second tranche ng SAP upang makatiyak na mapupunta ang tulong pinansyal ng gobyerno sa mga karapat-dapat na tumanggap lalo na ang limang milyong "waitlisted" na pamilya.

Dagdag pa niya, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga local government unit para sa magiging takbo ng distribusyon ng cash aid sa kani-kanilang lugar.

Noon lamang Lunes (Hunyo 22), ay nagsimula na ang DSWD sa pamamahagi ng ayuda para sa mga "waitlisted" beneficiaries ng second tranche ng SAP.
Share:

7 comments:

  1. ako po ay di nakatanggap kahit ni isang ayuda sa gobyerno,dswd,sap,dole,sbws,Wala po, hanggang ngaun dipa aq bck to work,3 po ang anak ko, Sana dipa huli ang lahat, Sana maranasan ko nman nakatanggap ng ayuda Melvin Fontillas ph8blk79lot14 Eastwood res San Isidro Rodriguez Montalban Rizal 09476191173

    ReplyDelete
  2. Walang ayudang ng SAP binigay dito po sa BARANGGAY ZAPATERA po . Parang nakalimotan na po ng DSWD at baranggay ang lugar namin na ultimo pagkain ng relief goods wala

    ReplyDelete
  3. Ako po kahit ni kusing walang natanggap na ayuda galing sa governo senior citizen po ako tapos kasambahay pa.. sana patas lang ang tulong ng goberyerno sa taong bayan .. ito po ang number ko
    09107083450

    ReplyDelete
  4. Sana man lang namimili po ng tama ang mga dswd na bibigyan ng tulong hindi yung kung sino lang ang kakilala at kamag anak yun lang ang bibigyan.. salamat po

    ReplyDelete
  5. Hay sana po mamili nman kayo dswd ng tamang mapagbigyan ng SAP sa pangalawang bigayan .... Kahit anong anong ayuda wala akong natanggap maliban sa bigas at sariling pera ni sir kyle gacula .. sana nman po mabigyan ako kasambahay po ako at senior citizen pa.. sana po ..

    ReplyDelete
  6. Ako Dito Sa Taytay Kahit
    Piso Ni Hindi Pa Po Ako
    Nakakatanggap Dalawa Po
    Anak Ko Sana Naman Makaku
    Na Ako 😢 Para Samin Nang
    Mga Anak Ko 09354577612

    ReplyDelete
  7. Sana naman po maibigay na sa lalong madaling panahon ang dpat ay sa amin . halos wala napo kmeng mkain may bata pa po akong pinapadede ngayon

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive