Mahigit P344 milyong SAP cash aid ibinalik; muling gagamitin sa 2nd wave
Mahigit P344.7 milyong "returned" at "refunded" subsidy mula sa Social Amelioration Program (SAP) ang muling gagamitin sa ikalawang implementasyon ng programa, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Lunes (Hunyo 8).
Sa isang pahayag, sinabi ng DSWD na mahigit P20.3 milyong cash aid ang naibalik na noong Hunyo 5, mula sa 3,723 SAP beneficiaries na doble ang natanggap na ayuda o di kaya naman ay hindi kwalipikado.
Rehiyon IX (Davao) ang may pinakamaraming benepisyaryo na nagbalik ng ayuda (2,047). Sinundan naman ito ng Rehiyon III (Central Luzon), 795; National Capital Region (NCR), 236; Rehiyon IX (Zamboanga Peninsula), 210; CARAGA, 197; Rehiyon IV-A (CALABARZON), 166; Rehiyon VIII (Eastern Visayas), 54; at Rehiyon IV-B (MIMAROPA), 10.
Bukod sa P20.3 milyong returned subsidy, may 179 local government units (LGUs) din ang nagsauli ng P324.4 milyon pondo mula sa SAP.
Base sa guidelines ng DSWD, maaaring ibalik ng mga benepisyaryo ng SAP ang tulong pinansyal sa cashier's office kung saan nila ito kinuha. Paliwanag ng ahensya, dapat na maglabas ng official receipt ang mga cashier's office sa mga magbabalik ng ayuda.
Pano po kung nakatanggap na Sa 1st wave sa SAP tapos nakakuha Pa sa SSS.. PWede parin po Ba tumanggap ng sa 2nd wave sa SAP? O Hindi na? Tanong KO Lang po. Salamat.
ReplyDeleteTanong ko lang meron pa po bang 2nd wave sa calabarzon 1v-A.
ReplyDeleteSana naman po mabigyan ang kagaya ko byuda tatlong anak may nanay pa na may sakit sa puso.walang permanenting trabaho ako ngayon kaya wala kaming makakain sana piliin nyo po ako nagmamakaawa po ako sa inyo 09283960821 yan po number ko gcash account ko rin yan please awang awa na ako sa mga anak ko na matulog nal please Poang na walang kain ðŸ˜ðŸ˜
Delete