Makati may libreng internet at learner's package para sa higit 85k mag-aaral
Mahigit 85,000 mag-aaral mula sa mga pampublikong paaralan ng Makati ang makatatanggap ng libreng internet load at learner's package sa pagsisimula ng distance learning ngayong taon, ayon sa lokal na pamahalaan nito.
Sa isang pahayag, sinabi ni Makati Mayor Abby Binay, na ang mga estudyante mula pre-school hanggang senior high school ay mabibigyan ng libreng internet load na maaaring gamitin hanggang limang oras bawat araw at learner's package na may kasamang flash drive, printed modules, at dalawang washable facemask.
Laman ng flash drive ang mga learning module na magmumula sa Department of Education (DepEd), na maaring gamitin kahit walang internet. Ayon pa kay Binay, magu-upload din ang mga guro ng mga aralin sa flash drive na maaaring gamitin sa mga gadget tulad ng laptop.
Kung walang gadget, maaari gumamit ng mga printed module na ipamimigay ng mga guro bawat linggo sa mga magulang. Ang mga module na ito ay "self-directed" para sa lahat ng aralin at kayang-kayang sagutan ng mga mag-aaral.
Paninigurado ng Alkalde, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Makati sa DepEd upang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral sa kabila ng kanselasyon ng pisikal na klase dulot ng COVID-19.
Bkit po wala pang module sa mga grade 5sa Pembo Elem.School na pinamimigay at free internet
ReplyDeletePano po mag online class po
ReplyDelete