Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mayor Isko, hinihikayat ang mga magulang na i-enroll ang mga anak sa kabila ng COVID-19 pandemic


Sa kabila ng pangambang dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, hinikayat ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, Miyerkules (Hunyo 3), ang mga magulang na gamitin ang oportunidad upang i-enroll ang kanilang mga anak para sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24.


"Sa mga magulang hinihikayat ko kayo, enrollment is ongoing from June 1 to 30, tuloy tuloy po 'yan 'wag n'yo sayangin yung opportunity. Yung inyong pangamba ay amin naman pong dinidinig," sabi ni Isko sa isang virtual briefing kasama ang mga Presidente at administrators ng iba't-ibang unibersidad sa Manila.

Ayon kay Isko, handa silang pakinggan ang mga hinaing ng mga magulang dahil bilang isang ama ay nauunawaan niya ang takot ng nakararami kung sakaling magkaroon ng face-to-face classes ang mga mag-aaral.

"We informed them of the situation of Covid-19 in the city, our plans, what we have done and achieved as a city government and at the same time para mapakinggan din natin kung meron man silang mga hinaing or issues na pwedeng madinig ng kanilang siyudad," saad niya.

Dagdag pa ni Isko, nakahanap na ng pondo ang lungsod upang matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante at siguraduhin ang magandang kalidad ng edukasyon sa kabila ng kinakaharap na krisis ng bansa.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive