Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Nat'l ID system, malaking tulong sa paghatid ng social services: DSWD


Umaasa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tuluyang maipatutupad ang Philippine Identification System (PhilSys) para sa mas mahusay at epektibong paghahatid ng mga serbisyong panlipunan sa bansa.


Ayon kay DSWD Undersecretary Camilo Gudmalin, malaki ang magiging pakinabang ng ahensya mula sa PhilSys, isang proyekto ng Philippine Statistics Authority (PSA), na layong maging indentification platform ng pamahalaan sa lahat ng residente ng Pilipinas.

Sa tulong ng PhilSys ay magkakaroon ng PhilId ang lahat ng mamamayang Pilipino at maging mga dayuhan na nasa bansa.

"Malaking tulong ito sa DSWD. Una, magkakaroon tayo ng wastong pagkakakilanlan ng mga kliyente at maiiwasan ang misrepresentation at doble-dobleng pagtanggap ng ayuda," sabi ni Gudmalin sa isang panayam sa Philippine News Agency, Miyerkules, (Hunyo 10).

Una ng sinabi ng PSA, ang implementing agency ng PhilSys, na isa sa mga pinakalayunin ng proyekto ang magkaroon ng mas madaling transaksyon sa mga benepisyong hatid ng gobyerno.
Share:

34 comments:

  1. Sana po matuloy na yn malaking tulong po aq mga mamamayan pray for us and keep safe everyone

    ReplyDelete
  2. Oo nga malaking tulong para sa kababayan natin

    ReplyDelete
  3. MALAKING TULONG,AT ITO ANG PINAKAIMPORTANTE NA KAILANGAN NG MGA MAMAYAN .

    ReplyDelete
  4. Malaking tulong.at ito ang pinakaimportanteng ID para sa mga mamamayan.

    ReplyDelete
  5. Sana po maging bukas na ang agensya nito para nakakuha na lahat ng mga mamamayan.

    ReplyDelete
  6. Sana all
    Mka tangagap dn ako..

    ReplyDelete
  7. ung sap po di ako nakakuha paano po ung di na po bang pwedeng makakuha????

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako wla ako nakakuha Roberto daduya maynila ako #09665512927

      Delete
  8. ano po b requirements pagkuha ng Nat'l ID system

    ReplyDelete
  9. Yes na Yes, I agree with the National Identification Id's. Its a big help.

    ReplyDelete
  10. Yes i would like to have one of these id..what are the requirements needed.

    ReplyDelete
  11. Yes na yes to National Id.

    ReplyDelete
  12. Wala po kasi akung ID.paano po maka tatanggap kahit walang ID. Ang voter's ID. Ko po hindi ko pa po nakuha sa Mandaue kasi ako naka rehistro noon nasunugan po kasi kami sa Guizo Santa cruz kaya lumipat po kami dito sa Lapu-Lapu opon 4 na taon nah kaya lang wala pa kami naka rehistro dito.Paano po??

    ReplyDelete
  13. yes, approve po aqoh dyan, kzie wala po aqong I'd.anu po ang kaylangan para makakuha ng national phillpines I'd.

    ReplyDelete
  14. Saan po pwede kumuha ng form

    ReplyDelete
  15. 2010 pa hindi na nag bigay nag Voters ID LAHAT mag COMELEC Dahilan sa NATIONAL ID pero Bakit hangangyaon Wala parin?

    ReplyDelete
  16. I aggree to have a National ID, knowing that we a a pilipino Citizen here in the Philippines.

    ReplyDelete
  17. Yea na yes kailan kya maumpisahan yang national id system

    ReplyDelete
  18. Yes na Yes po saangyon po ako ukol dito .

    ReplyDelete
  19. Sangayon po ako dyan..ang tanung... Kaylan uumpisahan...

    ReplyDelete
  20. Paano yung mga walang valid ID at walang mga birth anong isasabmit Nila?

    ReplyDelete
  21. Please help me how to apply the national ID in the Philippines. But i am here in the USA and I want national ID cause I am Pilipino. Please reply please,,,,

    ReplyDelete
  22. paano po kong may mali sa pangalan sa pag type tapos n print po paano po syamaayos

    ReplyDelete
  23. Gusto ko rin po mag maroon ng sailing national I'd.

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive