OWWA mauubusan na ng pondo sa 2021 kung magpapatuloy ang COVID-19 crisis
Posibleng mabangkarote na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pagtatapos ng 2021 kung magpapatuloy ang pag-uwi ng mga overseas Filipino worker (OFW) na nawalan ng trabaho dulot ng coronavirus pandemic.
Sa isang Senate labor committee hearing, Miyerkules (Hunyo 24), sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na ang patuloy na paggasta ng ahensya sa pagtulong sa mga OFW na apektado ng krisis ay nagbabanta ng pagkaubos ng pondo nito sa susunod na taon.
Ayon kay Cacdac, mayroong P16.9 bilyong pondo ang OWWA sa pagsisimula ng 2020. Dagdag pa niya, bumaba rin ang koleksyon ng ahensya sa 46 porsyento ngayong taon.
"Inumpisahan natin ang taon na may P19.6 billion, meron nalang tayong P18.8 billion dahil sa mga ginastos sa unang kalahati ng taon. Iyan ang una. Ang pangalawa, bumaba sa 46 porsyento ang koleksyon," saad niya.
Sa ngayon, ayon kay Cacdac ay gumastos na ang OWWA ng P1.145 billion sa pagkain, akomodasyon, tirahan, at transportasyon ng mga apektadong OFW magbuhat noong Marso 15. Dagdag niya, sa mga susunod na linggo, ay maglalabas pa ng P2.5 billion ang ahensya para sa financial assistance package para sa mga OFW.
No comments:
Post a Comment