Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pacquiao, planong tumakbo bilang pangulo sa 2022?



Ayon sa American boxing promoter na si Bob Arum, may plano na raw tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas sa taong 2022 ang boksingero at ngayon ay senador na si Manny Pacquiao.


Sa isang video, na walang tiyak na petsa kung kailan ini-record, ay sinabi ni Arum na ayon kay Pacquiao tatakbo siya sa 2022 at nais niyang makita ang boxing promoter sa kaniyang magiging inauguration ceremony.

"The first president I think we'll get, as a fighter, is Manny Pacquiao...(He) told me, once again, I did a Zoom telephone call with him, 'Bob, I'm gonna run in 2022, and when I win, I want you there at my inauguration," sabi ni Arum sa naturang video. 

Noon pa mang 2015, ay malaki na ang paniniwala ni Arum na tatakbo bilang pangulo ng bansa ang boksingero.

Si Pacquiao ay naihalal bilang senador noong 2016. Bago ito ay nagsilbi rin siya bilang representative ng distrito ng Saranggani.
Share:

4 comments:

  1. tumigil ka sa ambisyon mo pak man.hindi lahat makukuha mo..hindi lahat binibigay ng dios ...wala kang alam jan sinasabi ko lang ang totoo....

    ReplyDelete
  2. Kong Ako sau Manny Jan kanalang muna Sa senado wag ka muna mag Anniston Ng pag ka pangulo.sila Bongbong Marcos at Sara duterte muna

    ReplyDelete
  3. Ikaw kung kaya mo mas mabuti ikaw manalo kaysa sa dilawan atleast ikaw may awa sa mahihirap

    ReplyDelete
  4. #bayanihan nagpunta po ako sa cainta munisipyo para kunin ko sana yung Regular Pay ko na P4000 pero sabi saken ng taga MSWD wala na daw po ang pera sa kanila, na-LIQUIDATE NA daw po. Binalik na daw po nila sa inyo DSWD.

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive