Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pamimigay ng 2nd tranche ng SAP nagsimula na


Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang distribusyon ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) sa mga lugar na maagang nakapagsumite ng listahan ng eligible beneficiaries ng emergency subsidy.


Ayon kay Director Irene Dumlao, isa ang DSWD-Cordillera Administrative Region (CAR) field office sa mga unang nakapag-validate ng SAP beneficiaries kung kaya isa rin sila sa mga unang nabigyan ng cash aid.

"Ang Kapangan, Benguet ay isa sa mga unang nakapagpasa ng listahan ng kanilang mga kwalipikadong benepisyaryo [ng SAP]. Ibig sabihin, 'yung mga umapela na kwalipikado naman pero hindi nakasama sa first tranche ay agad na na-validate kaya napasama sila sa listahan," sabi ni Dumlao.

Bukod sa Kapangan, ayon kay Dumlao, ay maaga ring nakapagpasa ng listahan ng mga waitlisted ang Baguio kung kaya nakatanggap din ito ng SAP pay-out para sa karagdagan nitong 266 na benepisyaryo.

Sa ikalawang pamamahagi ng SAP, sabi ni Dumlao ay inuuna ng DSWD ang pay-out ng limang milyong pamilya na idinagdag sa mga makatatanggap ng emergency subsidy.
Share:

24 comments:

  1. Maraming salamat sa information

    ReplyDelete
  2. Never ending storry.. In the beggining.. Start. Ng start. Pero di naman umaarangkada.. Parang sasakyang bulok... Na panay ang start pero ayaw umandar... Junk na yan...

    ReplyDelete
  3. Kelan po ba mabibigyan yun mga 4ps members na wala pang ATM 2 yrs na po akong hindi nakaka tanggap wala pa info sa citylink dswd sana po maaaksyunan naman po ung mga hinaing namin lalo na po single mother po ako nawalan din ng trabaho

    ReplyDelete
  4. Kelan ba ung sa papa ko senior po cia tru paymaya po ang pinili ko sa knya

    ReplyDelete
  5. Magandang araw po tanong ko Lang po mey namigay na puba dito sa CAVITE city po na pangalawang SAP po Yung una po nakakuha po ako tapos Yung from ko po nasa DSWD po sila na daw po bahala sa pangalawa po Basta tatawagan daw kame pero hagang ngayon po kase Wala PA pasabi po e 😢

    ReplyDelete
  6. Solo perent po ako at Wala na kapos na din po kame di naman po makalabas at mey NG sabi po sakin madami na po kaso dito nakakatakot po kase kame Lang NG anak ko po 😭

    ReplyDelete
  7. Mga kailan kaya dito sa bulacan.

    ReplyDelete
  8. Bakit po wala pa d2 ung 2nd wave sa brgy bulac d pa nagbibigay nag aantay po kami d2 matatapus na po ang june mag july na hangang ngaun wala pa

    ReplyDelete
  9. Sa taguig po ba nagbibigay na

    ReplyDelete
  10. Sana nman PO maibigay na nila SA mga taong kagaya qng naghihintay parin para makabili NG pangkain SA araw araw,Sana dto Rin SA NCR malaman qng kaylangan bgayan..

    ReplyDelete
  11. Kelan po kaya San Pascual Batangas po?

    ReplyDelete
  12. Kanus a diay ma release ang pagalawa?

    ReplyDelete
  13. Bakit po hindi na nakasama asawa ko sa 2nd tranche ng SAP.kargador lang naman po sya at walang benefits na kahit ano.

    ReplyDelete
  14. Joven supisa brizuela po pangalan nya

    ReplyDelete
  15. Ncr po kailan ang payout sa mga nakapag registered sa relief agad?

    ReplyDelete
  16. Kailan po D2 SA quizon city Sana makasali ako d ako ngayong 2 trans hind KC ako makasali noong first wave Virginia colong Paulmitan

    ReplyDelete
  17. kailan po kaya dito sa cavite bakit kaya hindi na binigay ang sap dito po ituloy sana nila po salamat. po

    ReplyDelete
  18. Dito sa Maricaban Pasay kailan Kay..brgy 184

    ReplyDelete
  19. Kelan po d2 s concepcion uno marikina city?1st trance wala pati 2nd trance...sana po bigyan nio po ng pansin lugar nmen..salamat po

    ReplyDelete
  20. Sv ng mayor nmen 100% naipamigay ang sap wala pah nman naipamigay

    ReplyDelete
  21. Dto po s munwok las pinas wala p po.dpo ako nkakuha nung una at d nkapglista dhil po namatayan npo kmi ng kapatid po nmin dhil s covid.pero s pangalawa nkapgpalista npo ako.solo parent p po ako 3 anak nag aaral ng highskul.Reynaldo P. Valdueza po pangalan ko.zana matulungan nyo nmn po kmi mga anak ko..

    ReplyDelete
  22. Yung sa akin po wala pa tapos na ang july. August npo

    ReplyDelete
  23. Andaming pnahirapan sa 2nd sap...kung manual nlng sna mas mdli pa...may p gcash pang nllman..pno ung mga wlang cp ppno nla mkukuha ung ayuda nla...

    ReplyDelete
  24. North Fairview Quezon City Po bakit Wala pa 2nd tranche Sana namn Po maaksyunan niu Po Lalo na kailangan na kailangan Ng tao Yan ngaun pandemic na halos walang Wala na

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive