Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pilipinas, 'priority' ng China sa mga bibigyan ng bakuna kontra COVID-19


Tiniyak ng pinuno ng China na si Xi Jinping na si Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas ang unang makakatanggap sa oras na magkaroon na ng bakuna kontra coronavirus.


Inihayag ng Malacañang,  Biyernes (Hunyo 12), na kabilang ang coronavirus crisis sa mga isyu na tinalakay ng dalawang pinuno sa kanilang "open and focused" na pag-uusap sa telepono noong Huwebes ng gabi.

Sa kanilang talakayan ay binigyang diin ni Pres.Duterte kay Xi na kailangan magtulungan ng mga bansa sa pagbuo ng bakuna at nararapat na gawin itong available para sa lahat. Tugon naman ni Xi, handa ang Tsina na tumulong sa pagtuklas ng bakuna na ibabahagi para sa lahat.

"Si President Xi, sa kabilang banda, ay sinigurado kay PRRD na handa ang kanilang bansa na gumawa ng bakuna para sa lahat, at ang Pilipinas bilang kaibigan ng China ang magiging priority," sabi ng Palasyo.

Bukod  sa bakuna, ay pinag-usapan din ng dalawang lider kung paano hinaharap ng dalawang bansa ang kasalukuyang krisis pati na rin ang mga stratehiyang kanilang ginagamit sa pagbubukas muli ng kani-kanilang ekonomiya.
Share:

7 comments:

  1. Bibigyan po talaga ha hindi bebentahan. Iba kc ang bigay,, it means libre..

    ReplyDelete
  2. OK good nhgfcjjurdgjkkgfbjjknkjffbkjggvbjkgfgnbhjmjjjkbvfgjnbvcvnkkkkkm

    ReplyDelete
  3. so gagawing testingan ang Pilipinas, sige go... fake news pa more

    ReplyDelete
  4. Ganun din naisip ko eh
    Gosto yata gawin experiment ang pinas🙄🤔


    ReplyDelete
  5. Alam naman ng mga Tao sa government kung ano ang ginawa ng CCP virus sa buong mundo, pagkakatiwalaan p b ng Pinas ang China?

    ReplyDelete
  6. We dont need vaccine wla vaccine pra s corona...pg my vaccine nirelease it doesnt mean pra s virus un..2 lng pupuntahan nyan...its either drugs to manipulate the whole planet or to kill anybody...

    ReplyDelete
  7. Dpat gamitin sa may Sakit talaga na covid..Kung talagng efective pero kung iinject sa lahat mg tao di ako agree sa iinject baka mas lalo pqng delikado

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive