SHS students hirap sa paggamit ng Ingles ayon sa ulat
Ilan sa mga Pilipinong mag-aaral na nasa senior high school (SHS) ang hindi man lang makasulat ng disenteng pangungusap gamit ang wikang Ingles, ayon sa isang report.
Sa isang artikulo, sinabi ni Philippine Institute for Development Studies (PIDS) consultant Karen Brillantes na kitang-kita sa mga ipinapasang research paper ng mga estudyante na hirap na hirap ang mga itong sumulat gamit ang Ingles.
Base sa report, madalas na nagpapasa lamang ng mga proyekto ang mga mag-aaral upang makapag-comply sa mga requirements kung kaya nagiging limitado ang kanilang pagkatuto.
Ayon pa rito, masyadong "ambitious" o mataas ang pangarap ng kasalukuyang SHS curricula at naaayon lamang ang disenyo para sa mga advanced learners tulad ng mga science high school student sa Metro Manila. Bukod rito, nahihirapan rin ang mga guro na ihatid ang curricula sa mga estudyante dahil sa kakulangan sa guidelines, materyales, at preparasyon.
Dahil dito, nanawagan si Brillantes sa Department of Education, Commission on Higher Education, at Technical Education and Skills Development Authority na mas pagbutihin ang kanilang koordinasyon sa pagsasaayos ng mga polisiya patungkol sa SHS program.
No comments:
Post a Comment