Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Doktor, nakikiusap na ibalik sa ECQ ang NCR ng 2 linggo


Upang mabigyan ng pagkakataong makapagpahinga ang mga medical frontliner, nanawagan si Philippine College of Physicians Vice President Dr. Maricar Limpin, Biyernes (Hulyo 31), na ibalik sa enhanced community  quarantine ang National Capital Region sa loob ng dalawang linggo.


"Ang gusto natin ay magkaroon muna tayo ng breather kasi kung mapapqnsin ninyo, magmula nang nag-relax tayo ng community quarantine from ECQ to modified, doon nag-umpisa na umakyat ang dami ng nagkakaroon ng COVID-19," sabi ni Limpin sa isang panayam.

Saad pa ng doktor, naiintindihan niya na gumagawa ng paraan ang gobyerno upang matugunan ang pinansiyal na pangangailangan ng bansa sa pamamagitan ng pagbubukas ng ekonomiya. Ngunit aniya, oras na para tuldukan ang pagkalat ng virus.

"Nakakapagod na. It's time to really put a stop doon sa pag-spread ng infection. I know ang gobyerno natin nag-iisip kung papaano ang economy pero ano ang gagawin natin sa economy kung unti-unti namang nagkakasakit at namamatay ang mga Pilipino?" sabi ni Limpin.

Hanggang Agosto 15 ay isasailalim sa general community quarantine ang buong Metro Manila, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Minglanilla at ang bayan ng Consolacion sa probinsiya ng Cebu at Zamboanga City habang nasa modified GCQ naman ang iba pang lugar sa bansa.
Share:

Walang COVID-19 vaccine para sa mga drug pusher: Pres. Duterte


Hindi maaaring bakunahan ang mga sangkot sa ilegal na droga sa bansa sa oras na magkaroon ng COVID-19 vaccine, utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, Biyernes (Hulyo 31).


Ayon kay Pres. Duterte, sa halip na ibigay sa mga drug pusher at drug lord ang bakuna, ay ipamamahagi niya na lamang ito sa mga mahihirap.

"'Yun ang utos ko. 'Yan ang gusto ko. Hindi maganda? Hindi talaga maganda. Mga tao, hindi pala tao sila, tingin ko [sa] mga drug pusher, drug lord, aso. Tingin ko sa kanila... hindi ako magtulong sa inyo, sinisira niyo ang Pilipinas, pinapatay niyo ang tao," sabi ng Pangulo.

Una ng sinabi ni Pres. Duterte na magiging prayoridad ang mga mahihirap sunod ang mga militar at pulis sa mga bibigyan ng bakuna sa bansa.

Binanggit din niya na isa ang Pilipinas sa mga unang makatatanggap ng bakuna mula China. Sabi ng Pangulo, inaasahang magkakaroon na ng COVID-19 vaccine pagsapit ng Disyembre.
Share:

Pres. Duterte uunahin ang mahihirap sa pamimigay ng COVID-19 vaccine


Magiging prayoridad  ang mga mahihirap na Pilipinong tumatanggap ng ayuda sa gobyerno sa oras na magkaroon ng bakuna para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Susundan ito ng mga middle-income citizens, militar, at pulis na ikinokonsiderang "backbone" ng kasulukuyang administrasyon, sabi ng Pangulo.

"Ang una talaga 'yung mga tao sa listahan na tumatanggap ng assistance sa gobyerno. Ngayon, pangalawa, 'yung middle income. Libre ito, hindi ko ito ipagbili," saad ni Pres. Duterte.

Para naman sa mga mayayaman na mamamayan ng bansa, ayon kay Pres. Duterte, kakailanganin nilang bilhin ang COVID-19 vaccine sa itinalagang halaga.

"'Yung mga mayaman, 'wag ninyo akong isipin, kasi hindi ako nag-iisip sa inyo... Kayo ang maka-afford...Yung mga upper income, bumili na lang kayo," sabi niya.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, aabot sa 20 milyong Pilipino ang kakayaning bigyan ng gobyerno ng libreng bakuna na inaasahang mailalabas sa Disyembre.
Share:

Direct Hiring: Chipmos Technology now hiring machine operators and engineers in Hsinchu


Chipmos Technology in Hsinchu now directly hires filipino migrant workers, the company is looking for machine operators and engineers with expiring contracts with other companies.


Qualified applicants are those who have expiring contracts on or before November 30, 2020 or those who have been laid off.

Applicants may apply every Thursday and be listed for interview from 09:30am to 10:00am only, late comers may come another day. Bring ARC, passport, blue pen, page 1 of MECO labor contract and transfer letter (if you have).

Interested applicants may apply directly at Champion Manpower Services located at 7F-2 No295, Guanfu Road, Sec 2, Hsinchu City in Taiwan.

About Chipmos:

ChipMOS TECHNOLOGIES INC. ("ChipMOS") is one of the world’s largest semiconductor services companies, providing a full range of back-end testing services for liquid crystal display (LCD) drivers, high density memory, and mixed-signal semiconductors.  

*This site not a agency nor agent, please refer on above recruitment agency
Share:

Cebu Pacific resumes flights to Taiwan and vice versa starting August 7


Cebu Pacific announced that it would resume more international flights to key Asian countries starting Saturday, Aug. 1, as COVID-19 restrictions gradually ease.


For Taipei-Manila flights, it will start by August 7 with restrictions by corresponding countries will be implemented, such as securing a negative RT-PCR test prior to departure and the mandatory 14-day quarantine upon arrival.

“We are taking a conservative and agile approach to rebuilding our international network. While demand remains soft, there is latent demand for travel, particularly from stranded individuals and those who are eager to come home to visit their families,” said Candice Iyog, Cebu Pacific vice president for marketing and customer experience.

Cebu Pacific said it has "intensified" preventive measures across its operations to safeguard employees and passengers from COVID-19.

Meanwhile, Cebu Pacific will fly the Tokyo (Narita) - Manila route twice weekly, Manila - Singapore, Osaka - Manila will also resume.
Share:

Philippines logs 38,075 new COVID-19 recoveries, total at 65,064


There are now 65,064 total number of coronavirus disease 2019 (COVID-19) recoveries in the Philippines as the Department of Health (DOH), announced 38,075 recovered individuals on Thursday (July 30).


This marks the country's  highest number of recoveries in just one day.  However, 23 more patients have succumbed to the disease bringing the death toll to 1,983.

The DOH also reported 3,954 new cases resulting to an 89,364 total number of infected Filipinos. Of the new cases, 1,320 were classified as "fresh" or newly validated while 2,634 were "late."

According to the agency, the high number of new cases and recoveries were attributed to the The department attributed “enhanced data reconciliation efforts with local governments.”

“Early this month, the DOH created the COVID-19 Surveillance and Quick Action Unit which focuses on data collection, validation, and reconciliation of information available at the local and national level,” the DOH said.
Share:

Taiwan Jobs: Now Hiring Factory Workers for FITTECH Co Ltd in Taichung | Apply online


Summary: FITTECH Co Ltd
Location: Taichung, Taiwan
Agency: Grand Placement & General Services Corp
Salary: NT$25,250 + OT

QUALIFICATIONS:
Height:  155CM and above    
Weight:  40kg - 60kg
Education:  Vocational Graduate or College Graduate

Work Experience: 
-Candidates must have Electronics factory work experience 
-Need to have at least one of the below working experiences: 
• Taiwan Electronic Experience 
• Philippine working experience which need to use microscope
• Philippine Electronic Experience 

-Ex-Taiwan is accepted, candidate must be finished contract. Must have ARC & Employment Certificate

To apply, email the following softcopy of documents to [email protected]:
Valid Passport, Updated Resume with photo, diploma, birth certificate, UMID, Voters ID / Voters Registration, PEOS Certificate, POEA E-Registration & Employment Certificate. 

Reminders from Grand Placement:
1. Indicate your active Skype Account upon sending the resume to us. Ensure that we can easily locate your full name and profile picture in Skype.
2. Indicate CMMT as your subject in the email when sending your resume to the agency

About CMMT:

FITTECH CO., LTD. is located in Taichung City, Taiwan and is part of the Information Technology Services Industry. FITTECH CO., LTD. has 424 total employees across all of its locations and generates $121.83 million in sales (USD).

*This site not a agency nor agent, please refer on above recruitment agency
Share:

Pres. Duterte nagbabala sa mga 'oportunistang' nanamantala sa gitna ng krisis


Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address (SONA), noong Lunes, (Hulyo 27), ang mga "oportunista" o iyong mga nanamantala sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa ngayong may pandemya.


Sa pagbanggit ng Pangulo sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno,  inamin niya na hindi maaayos ang implementasyon nito ngunit hindi raw ibig sabihin na makalulusot ang mga taong nanamantala sa paggawa ng masama sa kabila ng pandemya.

"Admittedly, our implementation of the social amelioration program was not perfect. And some opportunists turned crisis into opportunity. We will catch up with you sooner than you think,” sabi ni Pres. Duterte.

Bukod dito ay tinuligsa rin ng Pangulo ang mga walang pakundangang nangungurakot sa pondo para sa ayuda, nag-o-over pricing at mga sangkot sa transaksyon ng ilegal na droga sa bansa.

"The financial and material assistance of the government to the unemployed, the sick, and the destitute running into billions of pesos, are not spared from corruption and ineptitude. Even the donations from well-meaning private persons are skimmed before reaching their intended beneficiaries. It is like snatching food from the mouths of babes,” saad niya.

Ayon kay Pres. Duterte, kahit pa abala ngayon ang bansa sa paglaban sa krisis, sisiguraduhin niyang mahuhuli ang sinumang gumawa nga masama at nanamantala sa gitna ng pandemya.
Share:

'Kulang-kulang 1% lang ng LGUs ang may maayos na contact tracing': Baguio City Mayor


Ipinahayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Huwebes (Hulyo 30), na kailangan palakasin ang kaalaman ng mga personnel, at dagdagan ang mga analyst at technical support nang sa gayon ay magkaroon ng magandang sistema ang contact tracing ng Pilipinas para sa COVID-19.


Ayon kay Magalong, sa 1,900 local government units sa bansa na pinadalhan ng online diagnostic questionnaire, 600 lamang ang tumugon at kulang-kulang 1 porsyente lang ng mga ito ang masasabing may maiging contact tracing system.

"Based on the 600 response and yung data na na-gather namin, around .68 lang po talaga ang may maayos na contact tracing," saad ni Magalong sa isang panayam.

Dagdag pa niya, masyadong natuon ang atensyon ng mga LGUs sa pagpaparami ng bilang ng kanilang contact tracers, makapag-comply lamang sa utos ng national government.

"Kailangang i-analyze ang data, kaya naglagay tayo ng mga analyst, naglagay tayo ng technical support. Kailangang ng data encoder para matapos yung ating interviewers, yung contact tracers na tinatawag natin. Kailangang i-capacitate. Dapat pag-aralan din nila yung cognitive interviewing skill,”  sabi ng Alkalde na naniniwalang dapat ay sumailalim sa training ang mga contact tracers.

Si Magalong ay isa sa mga lokal na opisyal ng bansa na pinuri sa maagap na pagresponde sa krisis gaya ng pagpapatupad ng epektibong contact tracing sa lugar ng Baguio.
Share:

Taiwan Jobs: Now Hiring Factory Workers for Cheng Mei Materials Technology (CMMT) in Tainan


Summary: Cheng Mei Materials Technology Corporation (CMMT)
Location: Tainan, Taiwan
Agency: Grand Placement & General Services Corp
Salary: NT$23,800 + OT


QUALIFICATIONS:
-Male applicants
-Height: 158m & above    
-Weight: 60-95kg
-Education Level: Vocational Graduate or College Graduate
-With experience in Polarizer Film or similar industry is preferred
-Must be Ex-Taiwan - Finished Contract. -Must bring ARC and Employment Certificate
-No smoking, drinking habits
-Strictly No Tattoo  
-No Colorblind
-No late registered (from age 20 years old and above) 

To apply, email the following softcopy of documents to [email protected]:
Valid Passport, Updated Resume with photo, diploma, birth certificate, UMID, Voters ID / Voters Registration, PEOS Certificate, POEA E-Registration & Employment Certificate. 

Reminders from Grand Placement:
1. Indicate your active Skype Account upon sending the resume to us. Ensure that we can easily locate your full name and profile picture in Skype.
2. Indicate CMMT as your subject in the email when sending your resume to the agency

About CMMT:

Cheng Mei Materials Technology formerly Chi Mei Materials Technology Corporation is principally engaged in the manufacture and distribution of polarizer and polarizing coiled materials. The Company’s polarizer and polarizing coiled materials are applied in the manufacture of liquid crystal display (LCD) panels as key components. 

The Company is also engaged in the provision of chemical products, including optical pressure sensitive adhesive (PSA) and others. The Company distributes its products primarily in Taiwan and other Asian markets.

*This site not a agency nor agent, please refer on above recruitment agency
Share:

Taichung’s “Foodie Market” dubbed as the most beautiful night market in Taiwan


There is now a new night market in Taichung! The new "Foodie Market" combines the concepts of night markets and markets, adding elements such as container houses, Japanese wooden stalls, and art installations to move Japanese houses to Taiwan.


Taichung Yimin Commercial District, located next to Yizhong Street, is only a 5-minute walk from Zhongyou Department Store. It has now been transformed into a "Foodie Market" that gathers trendy cultural and creative markets and traditional night market culture.

The dim yellow lights are like stars Hanging high in the air, it has transformed into the most beautiful night market in Taiwan. It is estimated to have 100 food stalls with groceries and gourmet foods during holidays.

Different themes will be held every season, including food and food exhibitions. Foodie Market allows people to visit the market during the day and at night.



Taichung Foodie Market
Business hours: Open all year round, every day from 2 pm to 11 pm
Market time: Every Saturday and Sunday from 3pm to 9pm
Address: No. 36, Jinxin Street, North District, Taichung City
Share:

Enjoy snowboarding and some snow ball fights in Snowtown in Taichung


Snowball fights in summer! In addition to running to the beach and paddling pool in the hot summer, the snow park is also a fun way to cool off the heat. Customers may enjoy discounts during the weekends.


The first indoor constant temperature ski resort in Taiwan, "SNOWTOWN Snow Park". The Snow Park is located in MITSUI OUTLET PARK Taichung Harbor and it is the first indoor ski resort in Taiwan. The indoor skis are made of clean water and do not add any chemicals. Anyone can enjoy the fun of making snowmen, snowball fights and ski slopes.

The snow park is operating at +16 to +18 degrees Celsius, this is possible thanks to the “Snowfactory” snowmaking system from TechnoAlpin. The snow has a core temperature of -5°C, the storage of the cooling energy and the consistency of the flakes slows down the melting process.

Ticket price starts at NT$380 on weekdays and NT$450 on weekends and holidays, the snow park is open from 11:00am to 09:30pm.

Location: MITSUI OUTLET PARK Taichung Port
Address: Unit 19900, No. 168, Section 10, Taiwan Avenue, Wuqi District, Taichung City, 435
Share:

New fairy tale park called “Green Villa” opens in Miaoli, admission is free!


Hidden in Miaoli, there is a newly opened free-ticket leisure park, which combines multiple attractions such as cabins, camping areas, landscaped restaurants, hobbit houses and painted walls. The environment is full of colorful colors. A pink windmill stands on the hill, just like being in the Netherlands.


Located in Yuanli Township, Miaoli, the "Green Villa" is very close to Feiniu Ranch and Sanyi attractions. Highlights of the card, such as the country-style fairy tale cottage landscape, American cowboy-style cabin, and super vivid three-dimensional painted walls.

The park has a pink windmill stands on the hill and has many photo-style houses, such as the Hobby House and the rustic cottage. The 3D three-dimensional painted wall is super suitable for punching in and taking pictures, attracting many tourists to take pictures.






Address: No. 96-5, 9 Lin, Yuanli Town, Miaoli County (苗栗縣苑裡鎮996-5)
Restaurant business hours: 10:0014:00, 17:0021:00
Green Garden Villa Reservation Tel: 037-747711
Restaurant Reservation: 0975023111
Share:

Taiwanese' relax attitude can result to 'coronavirus tsunami,' says health expert


Although Taiwan is continues in recording streak of no local infections, a doctor from Chung Shan Medical University Hospital Pediatric Emergency Department still warned on Tuesday (July 28), that the Taiwanese citizens' relaxed attitude towards the worsening pandemic can lead to a "coronavirus tsunami" in the country.


After the news broke about the Thai worker who tested positive after leaving Taiwan, Doctor Hsieh Tsung-hsueh expressed his concerns in facebook saying that a surge in the number of COVID-19 cases can happen in the country.

Hsieh explained that there is a possibility that the Thai patient was already infected while in Taiwan, drawing a high probability of spreading the virus.

What even bothers him is the fact that majority of the Taiwanese no longer pay attention to strict COVID-19 protocols such as wearing mask and social distancing. He stressed that if this kind of attitude will continue, a potential "coronavirus tsunami" could occur in the country once it has identify a local transmission cluster.

With this, the health expert urged the public to bring back the level of alertness they have portrayed at the start of the pandemic. He emphasized the importance of being vigilant especially today when no one can guarantee if the safety in Taiwan will last long.
Share:

72% ng mga Pilipino nakatanggap ng higit P6K ayuda mula sa DSWD: survey


Natuklasan na 72 porsyento ng mga Pilipino ang nakatanggap ng mahigit P6,000 ayuda mula sa gobyerno magbuhat noong magsimula ang krisis sa bansa, ayon sa Social Weather Stations (SWS).


Sa survey na isinagawa ng SWS noong Hulyo 3 hanggang 6, lumilitaw na malaking porsyento ng 1,555 respondents ang nagsasabing Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) (28%), DSWD (41%), local government units (LGUs) (14%), at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) (11%), ang pinanggalingan ng kanilang ayudang natanggap.

Dagdag ng SWS,  72 percent ang kabuuang bilang ng mga Pilipino na nakakuha ng tulong pinansiyal sa average amount na P6,588 mula noong magsimula ang krisis sa bansa.

Lumilitaw din na mas maraming pamilya sa Metro Manila ang naabutan ng cash assistance kumpara sa mga nasa ibang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Aabot sa P8,354 ang average amount na natanggap ng mga nasa Metro Manila, P6,701 naman ang mga nasa balance Luzon, P5,988 sa Visayas, at P5,441 sa Mindanao.
Share:

4 undocumented Filipino workers captured in a shrimp fishing farm in Taoyuan


Four Filipino undocumented migrant workers captured by the Daxi police authorities in Taoyuan. They were captured on the evening of July 27th as they ran 200 meters before they were captured by the authorities.


The 4 Filipinos aged 38-48 years old ran fast when seeing the policemen marking making the authorities to capture them. Investigation shows that one of them escaped for 6 years and all 4 confessed to be undocumented migrant workers.

They originally came to Taiwan as fishermen or crew boat members. Later, they fled their employers and worked everywhere to make money. The police sent the four people to a task force team in Taoyuan for processing and awaiting repatriation.

One of them is a 45-year-old man came to Taiwan for a short-term stay at the beginning of this year with a tourist passport, but did not leave the country according to the stipulated time.

Daxi police urged that hiring foreign migrant workers should comply with the regulations to avoid being punished. Employers who hire illegal migrant workers will impose a fine of NT$150,000 up to NT$750,000.
Share:

675K duplicate SAP beneficiaries at 239K ineligible recipients, nadiskubre ng DSWD


Mahigit 675,000 na indibidwal ang tumanggap ng ayuda mula sa  iba't-ibang ahensya ng gobyerno at lampas 239,000 ng mga hindi kwalipikadong benepisyaryo naman ang nadiskubre ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ayon sa isang opisyal nito.


“Medyo malaki ang duplicates na nakita. Mayroon tayong mahigit 675,000 na mga duplicates at mahigit 239,000 na mga ineligible,” sabi DSWD spokesperson Irene Dumlao sa isang panayam.

Dagdag ni Dumlao, mga local government unit ang responsable sa pagbalik at pag-refund sa halaga ng perang naipamahagi sa mga duplicated at ineligible beneficiaries.

“Hindi lamang po DSWD ang nagpatupad or nag-implement ng social amelioration program. Nagpatupad din ang Department of Labor and Employment, Social Security System,” saad niya.

Dahil dito, mas pinaigting ng DSWD ang validation process sa mga benepisyaryo ng SAP upang matiyak na mapupunta lamang ang ayuda sa mga karapat-dapat tumanggap nito.
Share:

102, 519 OFWs na ang naiuwi sa Pinas magbuhat noong Pebrero: DFA


Ipinaalam ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Sabado (Hulyo 25), na nasa 102, 519 na ang bilang ng mga overseas Filipino na natulungang makauwi sa Pilipinas ng ahensya magmula noong Pebrero ng taong 2020.


Base sa datos ng DFA, 43,893 sea-based Filipinos, at 58,626 land-based Filipinos ang nagbalik bansa dahil na-stranded o nawalan ng trabaho bunsod ng pandemya.

Nito lamang nakaraang linggo, 12,022 OFWs ang naiuwi mula sa Netherlands, New Zealand, Qatar, Saudi Arabia, the United Arab Emirates, USA, at iba pang bansa 

"This week, the DFA brought home a total of 8,895 OFs from the Middle East, 1,806 from the Asia-Pacific, 677 from Europe and 644 from the Americas. Of these repatriates, 1,400 were brought home from Malaysia, Qatar, and Saudi Arabia on board four DFA-chartered flights, paid for by the Assistance-to-Nationals Fund," pahayag ng DFA sa isang press release.

Sa susunod na buwan, inaasahang aabot pa sa 150,000 na manggagawa mula abroad ang uuwi sa bansa, ayon kay Hans Leo Cacdac, administrator ng Overseas Workers Welfare Administration.
Share:

Higit 200,000 PUV drivers isasama sa 'waitlisted' ng SAP 2nd tranche: DSWD


Pinaplano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na isama ang 217,170 public utility vehicle drivers sa waitlisted beneficiaries ng second tranche ng Social Amelioration Program  (SAP).


Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, 84,014 waitlisted beneficiaries mula sa National Capital Region ang nakatanggap na ng ayuda. Gayon din ang mga PUV driver sa Cagayan Valley, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, at SOCCSKSARGEN.

Kabilang sa mga driver na ito ang mga nagmamaneho ng jeep, bus, UV express, taxi, motorcycle taxi, Transport Network Vehicle Services, at tricycle, sabi ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao.

Paliwanag ni Bautista, ang mga tsuper na hindi kasama sa listahan ng ikalawang bugso ng SAP ay kabilang naman sa iba pang government aid program gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino na kung saan 24,581 PUV drivers ang nakatanggap ng cash assistance. 

Ngunit dahil patuloy pa rin ang reklamo ng ilang driver na hindi pa umano nakatatanggap ng ayuda, inutusan ni President Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address, ang DSWD at Department of Interior and Local Government na imbestigahan ang mga alegasyon patungkol dito.
Share:

Medical frontliners pagod na sa 'lumalalang' kaso ng COVID-19 sa Pilipinas


Bagama't ilan sa mga kawani ng gobyerno ang nagsasabing bumubuti na ang sitwasyon ng Pilipinas sa gitna ng pandemya, maraming mga doktor ang dumadaing na sa anila'y mas lumalalang krisis sa bansa.


Ayon kay Dr. Monica Reyes-Montecillo, isang infectious disease specialist at Dr. John Besa ng Philippine General Hospital, pagod na ang mga medical frontliner sa dami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

"We are seeing more severe  cases. The reality is lahat ng tao sa front lines pagod na,” sabi ni Dr. Montecillo.

“‘Yung mga sinasabi sa news na numbers, technically ‘yung iba do’n totoo pero you can’t handpick the data and make it appear na okay tayo,” saad naman ni Dr. Besa.

Dahil dito, umaapela ngayon ang mga healthcare worker ng mas pinaigting na contact tracing effort at dagdag na pasilidad para sa COVID-19 sa bansa.

Sa ngayon, 52.3 percent na ng mga COVID-19 facilities ang nagagamit, ibig sabihin nasa "warning zone" na at malapit ng bumigay ang health system ng bansa, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Martes (Hulyo 28).
Share:

Mister patay matapos silaban ng nagselos na misis


Patay ang isang lalaki na kinilala bilang si Vidal Batas, matapos umanong silaban ng sariling asawa na si Gisel habang natutulog sa kanilang bahay sa Santa Rita, Pampanga.


Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, matinding selos ang naging ugat ng krimen. Sa katunayan ay madalas daw mag-away ang mag-asawa dahil sa umano'y pambabae ng biktima.

Base sa ulat, natutulog si Vidal nang bigla itong buhusan ng gasolina at silaban ng kaniyang asawa. Naitakbo pa siya sa ospital ngunit kinaluanan ay binawian din ng buhay.

Kapwa tumanggi naman ang mga kaanak ng suspek at biktima na magbigay ng panayam ukol sa naturang krimen.

Samantala, nahuli ang suspek sa pamamagitan ng hot pursuit operation ng pulisya. Nahaharap ito ngayon sa kasong murder.
Share:

Taiwan Jobs: Hiring Male Caretakers for elderly care in Taiwan via Japan Maruko agency


Summary: 
Location: Taiwan
Products: Health Care 
Job Position: Male Caretakers


Recruitment agency:
Japan Maruko International Corporation agency, send your resume online at [email protected]

Check the photo below:

Requirements: 
- Passport
- UMID
- PEOS
- NBI Clearance
- Voters I.D or Cert.
- 3 pcs. Valid I.D
- E- Regisstration Cert

About Caretaker:
Caretakers take care of the elderly or mentally or physically challenged children, youth, young or elderly adults.

An elderly person under the age of 80 must receive a doctor’s certificate stating he or she has met the government’s stipulated requirements to hire a migrant caretaker.

*This site is not a recruitment agency nor agent, to apply please visit above mentioned recruitment agency.
Share:

Customer who bought newspaper for NT$10 won NT$10million in Taiwan's receipt lottery


One customer has been surprised after winning NT$10 million (US$337,438) jackpot in the May-June uniform invoice lottery by just buying a newspaper, said the Ministry of Finance (MOF).


The customer bought the newspaper for NT$10 from a 7-11 convenience store in southern Pingtung City, according to the store chain. However, the exact date of purchase was not made public.

The convenience store chain 7-Eleven also said, that three more of their customers won the NT$10 million special prize in the May-June uniform invoice lottery; four won NT$2 million grand prizes and two won NT$1 million from the government's e-invoice system.

The winning number for the NT$10 million special prize in the May-June uniform invoice lottery is 03016191. The MOF, on the other hand  has not yet announced the total number of winners.

The uniform invoice lottery system, which draws winning numbers every two months, was introduced to encourage consumers to collect sales invoices as part of the ministry's efforts to prevent tax evasion by business establishments.
Share:

COVID-19 vaccine maaaring umabot ng P2,000 kada turok


Maaari umanong umabot sa US$40  o P2,000 ang pinakamahal na halaga ng bakuna para sa COVID-19, pag-aanunsyo ng mga bumubuo sa coronavirus disease vaccine global funding scheme, Lunes (Hulyo 27).


Paliwanag ni Seth Berkley, isa sa mga namamahala sa COVAX facility na siyang naniniguro sa pantay-pantay na paggamit ng COVID-19 shots sa buong mundo, wala pa silang inilalabas na aktuwal na presyo ng bakuna at susubukan pa nitong makipagnegosasyon sa mga mahihirap at mayayaman na bansa.

Ayon kay Berkley, ang nabanggit na US$40, ay halaga lamang na maaaring gawing maximum price para sa mga mayayaman na bansa at hindi ito nangangahulugan na ito na ang presyong ibibigay sa iba pang nais bumili ng bakuna.

"And that ($40) was the maximum price in the range for high income countries, rather than a set price,” sabi ni Berkley.

Dagdag niya, karamihan sa mga ginagawang bakuna ay nasa early testing process pa lamang, kung kaya masyado pang maaga upang sabihin kung ano nga ba ang magiging final price ng bakuna.

"The truth is nobody has an idea what the price is going to be, because we have no idea which (potential Covid) vaccine is going to work,” pagpapatuloy ni Berkley.
Share:

Lalaking namboso umano, pinagbubogbog at pinagulungan ng tricycle


Matapos umanong mahuling namboboso, pinaulanan ng suntok, sabunot at tadyak, at saka ipinasagasa sa tricycle ang isang 20 anyos na binata sa Bayambang, Pangasinan nito lamang Hulyo 20.


Sa isang video na nag-viral sa social media, makikita ang isang lalaki na walang saplot habang nasa itaas ng puno. Pinagsusundot ito  gamit ang kahoy at saka ginulpi ng mga rumespondeng tao kasama ang kapitan at ilan pang opisyal ng baranggay.

Ayon sa mismong kapitan, matagal ng sakit sa ulo sa kanilang lugar ang binata at nababahala siya bilang lider ng kanilang baranggay na baka mauwi ang pamboboso sa panggagahasa. Sa katunayan, sa loob ng dalawang taon, 10 reklamo ng paninilip na raw ang inihain sa kanilang tanggapan.

Pinabulaanan naman ng biktima ang naging paratang sa kaniya. Kwento niya, napadaan lamang siya  at naaktuhan na hubo't hubad.

Bwelta naman ng kaniyang ina, dapat din daw kasuhan ang kapitan na kasamang nanggulpi sa kaniyang anak sa halip na kausapin at dalhin sa presinto. Nakahanda naman umano ang opisyal na harapin ang ano mang isasampa sa kaniya.
Share:

South Korea, nag-donate ng P36.9M worth of medical supplies sa Pilipinas


Tumanggap ang Pilipinas ng libo-libong high-quality medical supplies na aabot sa halagang US$750,000 o P36.9 million, mula sa gobyerno ng South Korea bilang bahagi ng kanilang humanitarian assistance, Lunes (Hulyo 27).


Sa idinaos na turnover ceremony ng Embassy of the Republic of Korea in the Philippines at South Korean government,  60,000 units ng KF94 masks, pitong COVID-19 walk-through diagnostic booths, at 1,000 face shields ang naibigay sa bansa.

Bukod dito, naghatid din ang Korea Trade-Investment Promotion Agency (KOTRA)  sa Department of Health ng coronavirus disease (COVID-19) test kits mula sa SD BIOSENSOR.

Ang SD BIOSENSOR ay isa sa mga nangungunang kompanya sa South Korea pagdating sa advanced at innovative technology. Nagbigay ito sa bansa ng 5,000 units ng antigen test kits at 5,000 units ng antibody test kits, na aprubado ng Philippine Food and Drug Administration (FDA).

Ang lahat ng natanggap na donasyon ay bahagi ng KOTRA’s Global Corporate Social Responsibility (CSR) program na may layuning ipaabot ang tulong na nais ibigay ng Korean companies sa mga lokal.
Share:

DSWD nakapamahagi na ng P55 billion sa ilalim ng SAP 2nd tranche


Umabot na sa P55billion ang halaga ng ayuda na naipamahagi sa ilalim ng ikalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP), ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Pag-uulat ng ahensya, mahigit anim na milyong benepisyaryo na ang nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa gobyerno gamit ang iba't-ibang distribution method na kanilang isinagawa.

Sinabi ni DSWD Secretary Rolando Joselito Bautista, sa isang Presidential Communications Operations Office (PCOO) Laging Handa forum, patuloy sa paggamit ang ahensiya sa mga iba't-ibang paraan na maaaring makatulong sa pagpapabilis ng paghahatid ng ayuda sa mga mamamayan.

Kabilang na rito ang ReliefAgad app na pinasimulan noong Marso 14, at pakikipagtulungan sa mga financial service provider para sa cash aid distribution.

Ang second tranche ng SAP ay may P100 billion-budget na layong makapagbigay ng ayuda sa 18 milyong pamilya na labis na naapektuhan ng pandemya sa bansa.
Share:

Popular Posts

Blog Archive