102, 519 OFWs na ang naiuwi sa Pinas magbuhat noong Pebrero: DFA
Ipinaalam ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Sabado (Hulyo 25), na nasa 102, 519 na ang bilang ng mga overseas Filipino na natulungang makauwi sa Pilipinas ng ahensya magmula noong Pebrero ng taong 2020.
Base sa datos ng DFA, 43,893 sea-based Filipinos, at 58,626 land-based Filipinos ang nagbalik bansa dahil na-stranded o nawalan ng trabaho bunsod ng pandemya.
Nito lamang nakaraang linggo, 12,022 OFWs ang naiuwi mula sa Netherlands, New Zealand, Qatar, Saudi Arabia, the United Arab Emirates, USA, at iba pang bansa
"This week, the DFA brought home a total of 8,895 OFs from the Middle East, 1,806 from the Asia-Pacific, 677 from Europe and 644 from the Americas. Of these repatriates, 1,400 were brought home from Malaysia, Qatar, and Saudi Arabia on board four DFA-chartered flights, paid for by the Assistance-to-Nationals Fund," pahayag ng DFA sa isang press release.
Sa susunod na buwan, inaasahang aabot pa sa 150,000 na manggagawa mula abroad ang uuwi sa bansa, ayon kay Hans Leo Cacdac, administrator ng Overseas Workers Welfare Administration.
No comments:
Post a Comment