2 OFW mas piniling tumulong sa mga jobless OFW sa kanilang kaarawan
Himbis na magkaroon ng sariling pagdiriwang sa kanilang kaarawan noong Hunyo, pinili na lamang ng dalawang Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa Dubai, na tumulong at magbigay ng pancit noodles at chicken food packs sa mga OFW na nawalan ng trabaho.
Ayon kay Rosaline Baylosis at sa kanyang kaibigan na si Angelo Catolico, parehong may edad na 30, mas magiging makabuluhan daw ang kanilang kaarawan kung tutulong sila sa mga kapwa nila OFW na nangangailangan at labis na naapektuhan ng kasalukuyang pandemya.
"Sa nakaraang dalawang taon, ipinagdiriwang namin ang aming kaarawan nang magkasama. Dati nagpapa-party kami kasama ang mga kaibigan. Pero dahil sa pandemya, nakapagdesisyon kami na magbigay nalang ng food pack sa mga taong kailangan talaga," kwento ni Baylosis sa mismong araw ng kaniyang kaarawan noong Hunyo 28.
Ang food relief project nila ay tinawag na "Pancit for Long Life" na nakabase sa kasabihang, kapag kumain ka ng pancit mas lalong hahaba ang iyong buhay. Ang food pack ay naglalaman ng mga pangunahing sangkap sa pancit bihon na may kasamang manok.
Ayon sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Dubai, mahigit 53,100 OFWs ang no-work-no-pay habang ang 26,500 naman ang na terminate. Dagdag pa ng ahensya, 400,000 documented OFWs din ang nasa naturang bansa.
May God bless you 2 OFW ,you set a good example.may your deeds become influencial to others.
ReplyDelete