2,739 Overseas Filipino Workers (OFW) ang positibo sa COVID-19 pagdating nila sa Pilipinas, may ilang OFW naman ang nagpositibo ng makauwi sa kanilang mga probinsya ayon sa Department of Health.
1,690 sa mga ito ay nakarecover na at may isang namatay na kung saan mayroong 92,967 na OFW - landbased at seabased na ang nakauiwi sa bansa.
1,690 sa mga ito ay nakarecover na at may isang namatay na kung saan mayroong 92,967 na OFW - landbased at seabased na ang nakauiwi sa bansa.
“Pagbalik nila sa areas nila, doon sila nagpa-positive. Ang sabi ko nga, it's a point in time lang ang isang test na kapag ti-nest kita ngayon, maaring bukas, sa makalawa ma-expose ka ulit sa disease,” ayon kay Vergeire.
“So, tinitignan pa rin natin kung ano ‘yung real cause kung bakit. Why is it they turned negative when they got here, but turned positive when they get back to provinces,” dagdag niya.
Lahat ng mga umuuwing OFW ay kailangang dumaan sa COVID-19 testing, quarantine at clearance test result bago makauwi ng probinsya. May ilang probinsya naman na nirerequire ang isa pang test para sa mga umuuwing mga OFWs.
No comments:
Post a Comment