Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

5.2 milyong pamilya nakararanas ng gutom sa Pilipinas: survey

Larawan mula sa ABS CBN

Aabot sa 5.2 milyong pamilya sa Pilipinas ang dumadanas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwang pakikibaka ng bansa sa pandemya, ayon sa Social Weather Stations noong Miyerkules (Hulyo 22).


Sa 1,555 na Pilipinong nakilahok sa survey, 20.9 percent ang nagsabing nakararanas ng gutom dahil sa kawalan ng pagkain, mas mataas kumpara sa 16.7 percent na tala noong Mayo.

Ang kabuuang bilang ng mga nagugutom sa bansa ang siya ng pinakamataas na record magbuhat noong 2014, na kung saan 22 percent o 4.8 milyong pamilya lamang ang napag-alamang nakararanas ng "involuntary hunger" sa bansa, ayon sa SWS.

Sa isinagawang pag-aaral, natuklasang pinakamarami ang mga nagugutom sa Visayas (27.2 percent), sumunod naman ang Mindanao (24.2 percent), Luzon (17.8 percent) at Metro Manila (16.3 percent).

Ang survey ay pinasimulan noong Hulyo 3 hanggang 6 sa pamamagitan ng mobile at computer-assisted interview. Mayroon itong ±2 percent error margin para sa national prcentages.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive