675K duplicate SAP beneficiaries at 239K ineligible recipients, nadiskubre ng DSWD
Mahigit 675,000 na indibidwal ang tumanggap ng ayuda mula sa iba't-ibang ahensya ng gobyerno at lampas 239,000 ng mga hindi kwalipikadong benepisyaryo naman ang nadiskubre ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ayon sa isang opisyal nito.
“Medyo malaki ang duplicates na nakita. Mayroon tayong mahigit 675,000 na mga duplicates at mahigit 239,000 na mga ineligible,” sabi DSWD spokesperson Irene Dumlao sa isang panayam.
Dagdag ni Dumlao, mga local government unit ang responsable sa pagbalik at pag-refund sa halaga ng perang naipamahagi sa mga duplicated at ineligible beneficiaries.
“Hindi lamang po DSWD ang nagpatupad or nag-implement ng social amelioration program. Nagpatupad din ang Department of Labor and Employment, Social Security System,” saad niya.
Dahil dito, mas pinaigting ng DSWD ang validation process sa mga benepisyaryo ng SAP upang matiyak na mapupunta lamang ang ayuda sa mga karapat-dapat tumanggap nito.
Bakit naman po ganun Hindi po kame nakatanggap ng ayuda kahit na sa anung ahensya, anu po bang husto nyong kwalipikado?
ReplyDeleteBkit po wla kming ntanggap ng ayuda nka pag fillup nman kmi s sap form noonh june pero hanggang ngayon wla p din kmi nttanggap wla nman kmi natanghap ne singkong duling s governo mhirap n pamilya lng kmi
ReplyDeleteMali po yung middle name kuh sa system ng M Lhuellier kailangan po baguhin sa system ang kailangan Amendment to Dragon pay para mabago sa system nila Sana po dswd matulungan ninyo ako para makuha kuh yung ayuda kuh ito number kuh 09560551250
ReplyDeleteAko kahit po isang beses di nakatanggap ng ayuda
ReplyDeleteKami dn po hindi po kmi binigyan n form kahit noong una kc pinili lang nila ang binigyan kakilala lang nila kahit may kaya cla kmi indigent po kmi wala kmi natanggap sana matulongan nio po kmi salamat po # ko po 09156322637
ReplyDelete