Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

72% ng mga Pilipino nakatanggap ng higit P6K ayuda mula sa DSWD: survey


Natuklasan na 72 porsyento ng mga Pilipino ang nakatanggap ng mahigit P6,000 ayuda mula sa gobyerno magbuhat noong magsimula ang krisis sa bansa, ayon sa Social Weather Stations (SWS).


Sa survey na isinagawa ng SWS noong Hulyo 3 hanggang 6, lumilitaw na malaking porsyento ng 1,555 respondents ang nagsasabing Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) (28%), DSWD (41%), local government units (LGUs) (14%), at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) (11%), ang pinanggalingan ng kanilang ayudang natanggap.

Dagdag ng SWS,  72 percent ang kabuuang bilang ng mga Pilipino na nakakuha ng tulong pinansiyal sa average amount na P6,588 mula noong magsimula ang krisis sa bansa.

Lumilitaw din na mas maraming pamilya sa Metro Manila ang naabutan ng cash assistance kumpara sa mga nasa ibang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Aabot sa P8,354 ang average amount na natanggap ng mga nasa Metro Manila, P6,701 naman ang mga nasa balance Luzon, P5,988 sa Visayas, at P5,441 sa Mindanao.
Share:

5 comments:

  1. Paano naman mga wala pang nakuha sa 2nd tranche

    ReplyDelete
  2. Panuh kmeng nkakuha Ng first trance kasama kme sa second trance utos yn Ng pangulo bkt hanggang ngaun walA pah

    ReplyDelete
  3. Oo nga wala din ako natanggap second tran from zamaboanga city

    ReplyDelete
  4. bakit aq wala pa kahit sa una o pangalawan wala parin

    ReplyDelete
  5. wala pa kahit isa ronald c laxamana caloocan

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive