Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

80% payout ng SAP 2ND tranche tatapusin hanggang katapusan ng Hulyo: DSWD


Nasa 80 porsyento ng mga benepisyaryo ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ang target na mabigyan ng ayuda sa katapusan ng Hulyo, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Sabado (Hulyo 11).


Sa ngayon, sabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista, mula sa 12 million targeted households, 1.5 milyong benepisyaryo na ang nabigyan ng cash subsidy mula sa SAP.

“Actually, ang prinoproject namin ngayon by end of July, makaka-80 percent ng 
payout. Unang una, nakikita namin na established  na digital payment kaya 
sigurado kami na mas malaki ang maipapamahagi na ayuda by end of July," sabi ni Bautista sa isang panayam.

 “Sa ngayon umaabot na tayo sa 1,517, 918 beneficiaries na nabigyan ng ayuda ng Social Amelioration Program at sa susunod na araw ay magbibigay pa rin tayo nga ayuda sa 700,000 beneficiaries," dagdag niya.

Noong nakaraan ay sinimulan na ng DSWD ang digital SAP payout sa National Capital Region (NCR), partikular na sa Caloocan City, Makati City, Pasig City,  at Quezon City. Sa kabilang banda, mano-manong distribusyon naman ang isinagawa sa Cordillera AdministrativE Region (CAR), Rehiyon I,  Rehiyon 3, Rehiyon 4-A,  Rehiyon 5, Rehiyon 6, Rehiyon 7, Rehiyon 11 at Rehiyon 12.
Share:

21 comments:

  1. Pano po yung nasa list nmn pero hindi lumalabas ang pangalan nla sa database.

    ReplyDelete
  2. Makakatanggap paba ang mga taga dasmarinas cavite?

    ReplyDelete
  3. Sana po makakatanggap pa ako ng second tranche kasi ang hirap lalo na sa akin na solo parent at ang paglalabada ko isang beses nalang sa isang linggo,hindi katulad dati na 3 beses sa isang linggo.tapos namamasahe pa ako back and fort pag dahil sa campo aguinaldo pa po nakatira ang employer ko.Problema ko po ang renta ng bahay 4 na buwan hindi ko pa nababayaran panay tanong na ang may ari kung kailan ko mababayaran baka palalayasin na ako hanggangang katapusan palugit nila.Sana po mabibibigyan pa ako sa second tranche.Plessss po.God bless🙏🙏🙏❤️❤️❤️

    ReplyDelete
  4. Pano nmn po ako..pinagperma nla ako form pero wala nmn ako nakuha kahit ninpeso.....tpos hndi nla ibinalik un SAP form koh......walang wala n din po kami.....ung iba nakakuha ng 2nd pero ako 1st and 2nd ayuda ng SAP WALA ako ako nakuha...

    ReplyDelete
  5. Check nyo maigi ang binibigyan nyo meron na sana dapat nakakuha ng ayuda pero wala samantalang ang iba nakakuha doble pa may mga diretso ang kita na nakakuha pero ang mga nahinto sa trabaho wala man lang

    ReplyDelete
  6. Sa wester bicutan po kylan mabibigyan ng 2nd wave ng SAP?

    ReplyDelete
  7. Paano nmn po dto sa batasan q.c?at paano po ang palawan ang pinili sa reliefagad form.

    ReplyDelete
  8. Kmi binigyan ng barcode wait daw text ng palawan June 22 pa yun gang ngayon wala pa

    ReplyDelete
  9. Bakit samin wla pang 2nd wave dto sa caloocan mga paasa nmn dswd

    ReplyDelete
  10. Paanu nman ang ndi nka pag rehistro s gcash o pay Maya? S online pnu po kami n waitlisted po ako. At Marami p po kmi dto s lugar namin, naghihintay s ayuda n yan lalopa't wla asking permanenteng trabaho. Kya po inaasahan naming ang ayuda n yan dto kami s brgy, talipapa Quezon City. Knit unang bigayan n ayuda wla p kming ntatanggap Amway magbigyan kami dto.

    ReplyDelete
  11. Taga Rizal,province po ako nakakuha na po ako ng 2nd trance 6500,maraming salamat po sa mga kinauukulang,thank you sa lahat sa inyo

    ReplyDelete
  12. Dto po s pasig city s brgy palatiw meron n po b

    ReplyDelete
  13. Ako nga po pala si Anabelle breboneria senaon.bkt nmn po.kami hndi sinali sa 2nd weved nang sap.mahirap din nmn po kami nag pnta po ako sa bardy nmin bkt tinanggal din ako ako po may PWD anak.bkt po ako tinanggal ang tanong ko po anong dahilan po.ninyo para ako alisin kailangan.korin po yon sa pamilya ko.sir ma'am

    ReplyDelete
  14. Sa 2nd tranche still nothing..naka pag barcode ako last may pa po..until now walang gcash na dumating po

    ReplyDelete
  15. Bat wala papo d2 sa aguso tarlac city?

    ReplyDelete
  16. Sa south cembo wla pa po sa mkati belong

    ReplyDelete
  17. kailan po ibigay ang pay out sa south cembo makati

    ReplyDelete
  18. Paranaque po bkit wala pa..

    ReplyDelete
  19. Kung sa gcash po nla ibbgay ung pay out pra sa 2nd tranche.. San po nila ibabase ung number ng beneficiares? Sa relief agad po ba? Kc ung sa sac form ko mali ung number na nailagay ko. Pls sana masagot po tong katanungan ko

    ReplyDelete
  20. gandang umaga po,elisa Parojinog bomo-ong po name ko sir,maam ng Quezon City po nag apply npo ako sa relief agad po ng may,27,2020 papo ng time po naun ang pinili kupo ay cash kc wla papo ako gcash noon pero gang ngaun po wla naman po ako natatanggap na text.kc gumawa ndin po ako g-cash po pero gang ngaun po wla.solo parent po ako natanggal din sa work.ngaun po ang hirap po mkapasok ng trabho.gutom npo pamilya namin sa totoo lng po.kya tanung lng po my inaasahan papo ba ako sir,maam.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pareho tau..cash din pinili q at gumawa n din aq ng GCash pero untill now walang text. Paranaque po aq

      Delete

Popular Posts

Blog Archive