89-year-old Lola, door-to-door na tinanggap ang ayuda mula sa SAP
Tinanggap ni Nenita Arquilola, 89 anyos, mula sa Barangay Avila, Buenavista, Guimaras, ang kaniyang ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) sa pamamagitan ng door-to-door payout.
Si lola Nenita, ay maituturing na isang person with disability (PWD), kung kaya nilakbay na lamang ng Pantawid Pamilya staff ang bako-bako at anim na kilometrong daan patungo sa kanilang tahanan maiabot lamang ang kaniyang ayuda.
Buong umaga hinintay ng matanda ang team na maghahatid sa kaniyang ayuda habang nakaupo sa kaniyang wheelchair.
Makalipas ang ilang oras, ay natanggap na ni Lola Nenita ang ayuda mula sa SAP. Ayon sa kaniya, bibili siya ng pagkain at ng paborito nyang ibos gamit ang cash aid na kaniyang nakuha. Bibili rin daw siya ng mga biik bilang regalo sa kaniyang 90th birthday sa susunod na buwan.
"Madamu nga salamat sa tanan, Ibakal ko ini ibog kag idik para sa akon birthday," sabi niyang ng tanungin kung anong gagawin sa perang natanggap.
No comments:
Post a Comment