Awtoridad humihingi ng tulong sa mga 'tsismosa' para sa contact tracing
Kinikilala at ikinokonsidera ng awtoridad ang tulong at kontribusyon na maaaring mai-ambag ng mga "tsismoso" o iyong mga mahihilig magkalat ng kwento, para sa mas pinaigting na contact tracing ng bansa.
Sa ulat ng "The Freeman," isang pahayagang naka-base sa Cebu city, umapela sa publiko si Police Brigadier General Albert Ignatius Ferro, direktor ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7), na tumulong at makilahok sa maagap na pagtukoy sa mga nakasalimuha ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.
Dagdag pa niya, upang mas mapabilis ang isinasagawang contact tracing sa bansa, maaaring tumulong ang mga "tsismoso" nang sa gayon ay may magawa silang mabuti.
"I heard last night, what do we call this, the ‘tsismoso’ brigade. They could be a good source, sa Bulacan man yata. Sabi nila, mga tsismosa, we ask you to help us sa atong (ating) contact tracing… instead na paglibak, naa silay maayong matabang (sa halip na pangungutya, may maitulong kayong maganda),” pahayag ni Ferro.
Ang paghingi ng tulong sa mga tsismoso ngayong may krisis ay hindi na bago, dahil isa ito sa mga naging susi ng isang doktor sa Nueva Vizcaya kung bakit napanatili nitong COVID-FREE ang isang maliit na baranggay sa probinsya.
No comments:
Post a Comment