Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Batang musmos, kayod kalabaw makatulong lang sa magulang


Sa kabila ng peligrong dala ng pandemya, patuloy pa rin sa paghahanap-buhay ang batang si Manny  upang makatulong sa pang-araw-araw na gastusin ng kanilang buong pamilya.


Sa murang edad, ay pinasan na ni Manny ang pagtataguyod sa kaniyang mga kapatid at pamilya kung kaya patuloy ang kaniyang paglalako ng kaniyang mga paninda kahit pa delikado ang paglabas-labas sa panahon ngayon.

Sa umaga ay nagtitinda si Manny ng mga panlinis sa bahay gaya ng walis, mop, at tabo. Pagsapit naman ng gabi, nagbebenta naman ito ng balot.

"Kahit may virus, magtitinda pa rin ako para makakain ang pamilya ko. Kapag may ipon po ako ibinibigay ko po pambili po ng gamot. Kahit wala pong matira sa akin. Makita ko lang po na masaya 'yung magulang ko masaya na rin ako," kwento ni Manny.

Nabaldado ang ama ni Manny dahil sa pagiging construction worker nito noon, habang na-diagnose naman na may tuberculosis (TB) ang kaniyang ina. Labag man sa kanilang kalooban ang ginagawa ng anak, wala pa rin silang magawa dahil sa determinasyon ni Manny na makatulong sa pamilya.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive