Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Benepisyaryo ng SAP na naka-confine, hinatiran ng ayuda ng DSWD sa ospital


Kahit pa nasa ospital, ay hinatiran pa rin ng ayuda Department of Social Welfare and Development (DSWD),  isang benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP), na naka-confine dahil sa kaniyang karamdaman.


Ayon sa ulat ng DSWD Western Visayas, isang staff ng DSWD Field Office  VI ang naghatid sa SAP aid ni Letecia Almaiz  na nagmula sa San Enrique, Negros Occidental. 

Si Almaiz ay naka-confine sa Bacolod city dahil sa hypertension. Kwento niya, malaking tulong ang natanggap niyang P6,000 na ayuda para sa kaniyang gamutan at iba pang pangangailangan.

"Daku ang mabulig sini nga kwarta sa akon ilabi na gid nga anum ka adlaw na ako diri sa hospital (Malaking tulong ang pera na ito lalo na at anim na araw na ako rito sa ospital)," sabi ni Almaiz.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang DSWD sa pamamahagi ng ayuda para sa mga benepisyaryo ng SAP, kahit pa sa mga may edad na at may mga kapansanan o iyong mga person with disability (PWD).
Share:

3 comments:

  1. Sana po maibigay ndin s akin. Subrang Hirap n hirap npo ako sbhuhay.wala pong trabahu single Mom pa

    ReplyDelete
  2. Sana po maibigay ndin s akin. Subrang Hirap n hirap npo ako sbhuhay.wala pong trabahu single Mom pa

    ReplyDelete
  3. Dswd PA help po.sana nmm bigay din poh second trance Ko. Salamat po

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive