Kahit pa may pandemya, dinagsa pa rin ng mga matatanda at mga menor de edad ang CCP complex sa Pasay City noong Linggo (Hunyo 28), para lamang makapag-ehersisyo at maglaro ng iba't-ibang isports.
Sa video na ibinahagi ng isang concerned netizen na si Berth de Leon, makikita na may mga nag-jo-jogging, naglalaro ng badminton at nag-uumpukan sa ilang bahagi ng lugar.
Bago pa magsimula ang pandemya, natural na lugar na ang CCP complex para sa mga nais na mag-ehersisyo at maglaro ng isports, ngunit ang ikinadismaya ni Berth ay ang paglabag ng marami sa mga quarantine protocol gaya ng social distancing, pagsusuot ng mask at ang mahigpit na pagbabawal sa
paglabas ng mga menor de edad.
"They are not even following proper social distancing rules. Some are not wearing masks and most of them are apparently minors," sabi ni Berth habang kinukunan ang nasabing video.
Sa ngayon, ang Pilipinas ang may pinakamabilis sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong Western Pacific Region na binubuo ng mahigit 20 bansa, base sa datos ng World Health Organization noong Hunyo 16.
No comments:
Post a Comment