Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Congressman Rodante Marcoleta, nais gawing opsyonal ang paglalagay ng krus sa ospital


Isinusulong ngayon ni Congressman Rodante Marcoleta, ang opsyonal na paglalagay ng mga krus o imahen ng santo sa silid ng mga pasyente sa mga ospital.


Kamakailan ay inihain ni Marcoleta ang House Bill No. 4633, na may pamagat na “An Act Making Hanging of Religious Mementos Such as Crucifixes, in Hospital Suites Optional." Layon nitong gawing opsyonal ang pagsasabit ng krus na sumisimbolo sa Katolisismo.

Saad ni Marcoleta, miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC), maaaring normal na lamang sa publiko na makakita ng krus sa mga ospital, ngunit isa itong isyu para sa mga hindi naman katoliko.

“Presence of crucifixes in many local hospital suites appear normal but it raises serious interfaith issues. First off, the crucifix is the most salient representation of the Catholic church. Its existence in these health care institutions presupposes singular church membership,” sabi sa unang ng talata ng explanatory note.

Umani naman ng sari-saring komento ang naging hakbang na ito ni Marcoleta. Marami ang hindi sumasang-ayon sa hinain ng mambabatas lalo pa at maraming isyu sa bansa ang kailangang pagtuunan ng pansin.

“Hindi po ito ang dapat unahin. I believe that there is a need to address regulatory issues concerning hospitals at this point so as the health workers can focus on ministering to the needs of sick people," sabi ng isang netizen.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive