COVID-19 cases sa Pinas, maaaring umabot ng 100k sa katapusan ng Agosto: UP expert
Nagbabala ang isang researcher mula sa University of the Philippines na maaaring sumampa sa 100,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa katapusan ng Agosto.
"Base sa nakita ko, mas tataas pa ang trend, mahigit 100,000 kung hindi natin babaguhin ang sistema at ang paraan kung paano natin harapin ang pandemya," sabi ni mathematics proffesor Dr. Guido David, miyembro ng UP OCTA Research group.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH), ng 2,434 kaso ng COVID-19, pinakamataas sa isang araw, at sinundan pa 2,099 cases noong Lunes kung kaya umabot sa 46,333 ang kabuuang kaso ng sakit sa bansa.
"Masyadong mataas ang trajectory mula noong sumailalim na tayo [sa general community quarantine], mukhang aabot pa tayo ng at least 65,000 sa katapusan ng Hulyo," sabi ni David.
Upang mabawasan ang pagtaas ng kaso sa bansa, inirerekomenda sa gobyerno ni David na higpitan ang borders at i-isolate agad ang mga nagpopositibo sa sakit sa mga quarantine facility sa halip na sumailalim ang mga ito sa home isolation na aniya, hindi naman epektibo.
No comments:
Post a Comment