Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

COVID-19 mas pinalakas ang pananampalataya ng Pinay frontliner sa US


Sa halip na panghinaan ng loob matapos mapag-alamang positibo sa COVID-19, mas naging matatag at mahigpit ang kapit sa Diyos ni Rhea Marciano, isang nurse sa US.


Kwento ni Rhea, noong una ay inakala niyang epekto lamang ng pagod sa kaniyang trabaho ang narararamdaman niyang sakit hanggang sa mapag-alaman niyang positibo na rin pala siya sa COVID-19.

Ayon sa kaniya, kailanman ay hindi niya kinuwestiyon ang Diyos sa kaniyang naging kalagayan. Sa halip, ay hinayaan niya lamang na tamaan siya ng virus at hintayin ang rason sa likod ng naging pangyayari.

"'Yung laban sa COVID, hindi siya laban ng talino. Hindi siya laban ng galing, hindi siya laban sa pera. Ang totoo doon, behind it, it will test your faith," pahayag ni Rhea.

Bagama't matinding sakit na ang dumapo sa kaniya, kapakanan pa rin ng pamilya ang naging prayoridad ni Rhea. Sa katunayan, hinintay niya munang bumuti ang kaniyang kalagayan bago pa man nito ipinaalam sa kaniyang mga magulang na nahawaan siya ng virus.

Malaki rin ang kaniyang pasasalamat sa mga kaibigang niyang Pilipino sa Amerika dahil sila ang nagsilbi niyang pamilya habang nakikipaglaban siya sa isa sa mga pinakamatinding hamon niya sa buhay.
Share:

1 comment:

  1. Ineng we pray for you for healing .Be strong your faith to Great Creator marami kaoang matutulungan kaya fight2.God live you kaya ka binigyan niyan he willtrual to ur faith makikita mo gagaling marami kapang matutulungan lahat ay may dahilan ibinigay sa iyo yan dahil alam niya na marami pang nangangailan ng iyong pagkalinga sa kapwa mo.God bless u iha.Big Amen

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive