COVID-19 patient, tumakas at nakipaghabulan sa isolation hotel sa QC
Tumakas ang isang babaeng nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), sa tinutuluyan niyang hotel na ginawang isolation facility sa Quezon City.
Sa isang video, makikita ang babae na nasa damuhan sa Barangay Greater Lagro noong Linggo ng hapon matapos makipaghabulan sa ilang lalaki na malapit sa hotel.
"Tumakbo siya dito. Hinabol sila dito ng mga boy, tsaka nu'ng babae. Pagdating doon parang namalo ng dalawang sasakyan doon na nakaparada bago siya makarating ng club house" sabi ng isang residente na si Raul Sevilla.
"Nag-stay lang siya doon sa damuhan hanggang dumating na yung mga pulis, may kasamang nakasuot ng PPE at kinuha na siya" kwento pa niya.
Ayon sa abogado ng hotel, nakuhang tumakas ng babae, na may problema sa pag-iisip, sa nakakandado at hindi na ginagamit na pinto ng nasabing pasilidad.
Sa ngayon, ay nagdagdag na ng security personnel ang hotel lalo na sa lahat ng posibleng maging entry at exit points nito.
No comments:
Post a Comment