COVID-19 vaccine maaaring umabot ng P2,000 kada turok
Maaari umanong umabot sa US$40 o P2,000 ang pinakamahal na halaga ng bakuna para sa COVID-19, pag-aanunsyo ng mga bumubuo sa coronavirus disease vaccine global funding scheme, Lunes (Hulyo 27).
Paliwanag ni Seth Berkley, isa sa mga namamahala sa COVAX facility na siyang naniniguro sa pantay-pantay na paggamit ng COVID-19 shots sa buong mundo, wala pa silang inilalabas na aktuwal na presyo ng bakuna at susubukan pa nitong makipagnegosasyon sa mga mahihirap at mayayaman na bansa.
Ayon kay Berkley, ang nabanggit na US$40, ay halaga lamang na maaaring gawing maximum price para sa mga mayayaman na bansa at hindi ito nangangahulugan na ito na ang presyong ibibigay sa iba pang nais bumili ng bakuna.
"And that ($40) was the maximum price in the range for high income countries, rather than a set price,” sabi ni Berkley.
Dagdag niya, karamihan sa mga ginagawang bakuna ay nasa early testing process pa lamang, kung kaya masyado pang maaga upang sabihin kung ano nga ba ang magiging final price ng bakuna.
"The truth is nobody has an idea what the price is going to be, because we have no idea which (potential Covid) vaccine is going to work,” pagpapatuloy ni Berkley.
No comments:
Post a Comment