Home »
NEWS
» DepEd, gumawa ng paraan para 'di ma-access ang malalaswang websites sa online learning
DepEd, gumawa ng paraan para 'di ma-access ang malalaswang websites sa online learning
Nakipag-ugnayan ang Department of Education (DepEd), sa Department of Information and Communications Technology (DICT) upang mahindi makalusot at maging balakid ang mga maseselan na online content sa pagsisimula ng distant learning sa Agosto.
Sa desisyon ng ahensya na magpatupad ng online classes dahil sa banta ng COVID-19, marami ang nangamba na baka sa halip na matuto ang mga mag-aaral ay malulong lamang sila sa mga maseselang website at online gaming.
Gamit ang libreng internet access na ipamimigay sa mga mag-aaral, batid ni DepEd Sec. Leonor Briones na madali na lamang ma-access ang mga site na hindi angkop para sa mga bata.
Dahil dito kinausap ni Briones ang DICT upang makatulong sa pagpapaigting ng seguridad kontra sa mga mapanganib na content online partikular na ang mga site na nagpapakita ng kaharasan at kalaswaan.
Ang hakbang na ito, ay ilan lamang sa mga ginagawa ng DepEd upang matiyak na magiging epektibo ang isasagawang online classes na hindi naisasakripisyo ang kaligtasan ng mga estudyante.
No comments:
Post a Comment